Marilou Hermita Lagi kang mag- iingat
Lagi kang papasok sa tamang oras
Huwag masyadong mgpupuyat
Huwag ka masyadong ma stress sa mga bagay-bagay
Marilou Hermita Alagaan mo 'yang sarili mo.
Hindi na ako yung mag- aalaga sayo.
Hindi na rin ako yung magpupunas ng mga pawis mo.
Hindi na ako yung kasama sa pagtupad ng mga pangarap mo.
Hindi na ako yung taong magpapatahan sayo at magsasabing.
"Huwag ka nang umiyak."
"Tahan na."
"Andito lang ako."
"Hindi kita iiwan ha."
Oo nagkamali ako, nagkamali sa pag - iwas sayo.
Nihindi ko alam kung minahal mo nga talaga ako noon,
pero ako minahal talaga kita noon.
Pero masaya na ako na makita kitang masaya.
Masaya sa piling ng iba.
YOU ARE READING
Talaang Tula
PoetryAng mga Panulaan, Tula, Poem o Spoken Poetry ay kumakatawan sa kultura, Panitikan pilipino, At iba pa. Ang mga Tema at Pamagat ay Tulang Likha ng may AKDA na nag lalaman ng Katotohanan at Imahinasyon, maaring totoo maari rin kuro-kuro at ang iba ay...