Ate ka ng lahat ng barkadahan
Maasahan sa oras ng kagipitan
Sa mahigit tatlong pangkatan
Sa team cancel ka lang naglaanUtak at puso mo laging na riyan
Balanse sa mga linyang talaan
Pulido kung mag plano sa sabayan
Na may halong pagkaingatanLahat sayo ay dapat ginagalang
Dapat lang! Dahil ikaw ay matapang
Karapatdapat ka sa ganyang karangalan
Dahil ikaw si Jhenny ate ng BayanAng salitang Maganda ay yaman
Hindi nagkamali na sa'yo ipangalan
Labas at loob ba naman ng katangian
Nagliliwanag ang mabuting kaloobanKung ang kinang ni Ruby ang basehan
T'yak si Jhenny ang mangingibabaw
Hindi oobra ang Pekpek na panglaban
Sa Pangalan "GANDA!" palang tinatanglawJheny ay ubod ng kilala sa bayan
Alyas Ganda, ituturo ka sa kaharian
Mga team cancel ay may ibat-ibang katangian
Kung inyong makikilala baka inyo magustuhanIkaw ay amin masasandalan
Sa oras ng amin kagipitan
Patawad kung minsan wala kami d'yan
At 'di ka madamayan sa iyong kalungkutanPagkakatandaan, batid namin ang pilosopiya
Mga plano at hangarin lumaya
At sa ikakabuti natin sumaya
At lumipad tulad ng isang mayaMula kay Kimmie punto kung mapanuri
Si Diane tagos sa butong mananaliksi
Si Jasmine direktang dila kung magsabi
At si Carla na multo dyan sa tabi - tabiHanggang kay Arvie sa atin Pukawin
Si Carmela, suportado palagi sa atin
Si Stefie Chin na alam natin maramdamin
At si Dominador na mukhang BugnutinAng Pastora n'yo si Jainere tahimik
Si Neil at ang kasintahan Si jenny - latik
Kung saan sa palawan ganda'y umawit
At ang baliw n'yong kaibigan si MourisitSalamat dahil nakilala ka namin
Salamat sa iyong mga panalangin
Salamat sa mga nagawa mo sa amin
Mga tulong na magandang hangarin
YOU ARE READING
Talaang Tula
PoetryAng mga Panulaan, Tula, Poem o Spoken Poetry ay kumakatawan sa kultura, Panitikan pilipino, At iba pa. Ang mga Tema at Pamagat ay Tulang Likha ng may AKDA na nag lalaman ng Katotohanan at Imahinasyon, maaring totoo maari rin kuro-kuro at ang iba ay...