5. III - Ang Damdamin ni Jenny

6 0 0
                                    

Walang ito sukat ang akin damdamin
Wala rin itong tugma na tatangisin
Subalit Sobra't umaapaw naman din
Ko kayong pinangalagahan, mahalin

Kilala ko ang bawat isa sa inyo
Mula ulo haggang pagkatao ninyo
Subalit mas kilala pa kita chin chin
Dahil noon palang ika'y maramdamin

Lagpasan ko na ang iba ikaw muna
Bata palang tayo magkaibigan na
Mas unang nakilala kay sa kanila
Subalit pagsasama may mga ala-ala

Masaya, Malungkot, Kaba at iba pa
Mga ala-ala umaagos sa sapa
Habang tuloy lamang sa daloy ng buhay
Kinakaharap ang pagsubok ng gabay

'Di ko na isasalaysay ang mga ito
Mga karanasan na atin napagtanto
Ngunit sa lahat ng naging desisyon
Tanging ito ang nagpasabog ng kanyon

Tama! Sinabi ko nga na piliin mo
Ang pag-ibig na mag papasaya sayo
Ngunit hindi sa potang! lalaking ito
Kung saan sinong babaeng ginagago

Saksi ako sa kanyang pagkakasala
Sa halik nilang na makalat at gala
Mga pulis na saksi! sila ay sinita
Ipinagmalaki sila daw mag syota

Chin masakit sa puso ang disisyon mo
Lumalabas baliwala ako sayo
Pagkakaibigan nati'y tinapon mo
Mga ala-ala natin ibinasura mo

Sino ba ako o kami sa buhay mo
Pamilyang kaibigan mo o tropa mo
Tanging ikaw ang makakasagot nito
At kung ano man ang piliin mo dito

Tiyak na may isang nilalang ka parin
Iiwan para sa isasakripisyo
At mag tatangis ng luha para sa'yo
Sa reyalidad masakit sa damdamin

Dahil sapat na yaring pagmamahal ko
Sagad na sa limitasyon na alay ko
Pag-ibig bilang kaibigan sa iyo
Sa mga panahon, iginugol ko sayo

Ngunit tandaan mo nandito lang ako
Sa oras na kinakilangan mo ako
Subalit hindi na kapareho noon
Na laging nagbibigay pagkakataon

Talaang TulaWhere stories live. Discover now