1. LIV - Chikorita

5 0 0
                                    

Panginoon inyong dinggin.

Ang samo ko at dalangin.

Chikorita ang aking alagain.

Sa gabi'y inyong diligin.


Ang wangis niya ay buto.

Dahon ay palong niya sa ulo.

Pag tumanda tulad ng isang munggo.

Dalawang dahon palong sa ulo.


Si Chikorita makulit.

Malabing, Maharot at mabait.

Mga mata niyang nang aakit.

Kaya ang Katapangan ay malupit.


Pasikatin mo ang araw.

Kapag si chikorita ay na uuhaw.

Ipatak ang munting ulan.

Hayaan siyang yumabong sa kalupaan.


Mahal ko kahit Pasaway.

Matapang din sa lahat ng kaaway.

Ngunit may kabutihan din taglay.

Kahit buhay ay handa niyang iaalay.


Laging nililinis ang kanyang sarili.

kapag pag ibig siya rin ay namimili.

Ngunit pag dahon niya ay iyong hinawakan.

Tiyak na ikaw ay kanyang Kaiinisan.

Talaang TulaWhere stories live. Discover now