2. III - Mundo

73 0 0
                                    

Ang taon kung saan laganap ang sakit
Wala ako magawa 'di ang pumikit
At nagtitiis sa dulo't nitong kirot
Na tahimik at sa akin bumabalot

Habang ang buong mundo ay nagdurusa
Ang bawat bansa ay may tinatamasa
Na ang layunin ay lunas sa pandemya
Upang ang bawat tao ay lumigaya

Ngunit kasabay rin nito ang paghinto
Ng mga sasakyan, gayun din ang paktorya
Tila ba at ang lahat ay naging mito
Bagkus sila'y sumunod at nag paraya

Sobrang gaan ng aking pakiramdam
Para akong maya na takam na takam
Dahil sa linis ng hangin nalalanghap
Ang paghilom ng sugat kong natatanggap

Diba! Kay ganda pagmasdan ang mundo ko
At kung titignan mo ang mga tanawin ko
Tiyak na mamamangha ka sa ganda ko
Ng dahil sa pandemya naghilom ako

Bagkus ugaliin natin na sanayin
Ating sarili sa ganitong gawain
Ang limitahan ang pagbuga ng usok
Ng mga kotse, paktorya saan man sulok

Ngunit dalangin ko na gumaling tayo
Sundin ang mga babala at mga payo
Uoang tayong lahat ay maka-iwas na
Sa pandemya nasa atin pa tumama

Talaang TulaWhere stories live. Discover now