6. XXI - Boa

1 0 0
                                    

Ako si Boa Magdalene Gaga
Babaeng nagmula sa Hilaga
Isa sa katangian ni Jason namayapa
At patuloy parin sa pag-ibig na sinipa

Kung mabibigyan ako ng pagkakataon
Sa panulaan ako ang bida ng taon
Marahil ang pamagat ng tulang nakalaan
Ay hindi ang akin pangalan

Ang pamagat na akin ibibigay
Ay ang paksang sa katangian ko nababagay
Ang pamagat na ito "Pabili nga po ng Pag-ibig"
At ramdam ko walang kwenta ang akin pag-ibig

Kung mabibigyan Halaga pinapangarap ko pa-ibig
Siguro pulubi na ako at nalalamig
Baka kinakailangan ko na mag-ibig ng tubig
Mabili laman ang sinasambit ng pusong tinig

Sabihin natin isangdaan piso ang pera ko
Ito'y bunga nang pagod ng pag-iigib ko
Sabihin natin sampo piso ang presyo
Ng bawat pagkilos at singbigat ng basyo

sampung piso para sa pangangamusta
sampung piso para ayain kita
sampungpiso para Sa sulat ng modernong telegrama
sampung piso para sa pusong sumama

sampung piso para maging akin ka
Sampung piso para masilayan ka
sampung piso para sa limang pag-ibig na inakala
sampung piso para pusong nang aabala

Dalawangpo para sa mga katanungan Naging tayo ba?
Dahil batid namin 'ang mga punto mo ligaya
Pero 'di mo batid ang bigat ng puso ko tutumba,
Nagdurusa dahil sa ginawa mong pangangalunya

Hanggat kaya ko pa na pigilan ang galit
Wag sana Si Raven Aaman ang pumalit
Kung matalo man ako sa akin dalangin
At manalo ang itim na hangarin

Patawad, sa pwedeng gawin ni Raven sayo
Dahil s'ya ay nag mamasid lamang sa malayo
Dahil ubos na ang pera ko, sa pagbili ng atensyon mo
At hindi ko pa rin mabili ang pag-ibig mo na layon

Talaang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon