6. XXV - Jason

2 0 0
                                    

Paalala ko lang na matagal na s'yang
Namayapa sa'tin mundong binansagang
Sa mga Lungkot at lait na karanasang
At sa huwad na wikang ipinaratang

Si Jason inyong kilala nang lubusan
Sa langit nakuha ang kapayapaan
Si jason na s'yang pangunahing tauhan
Namatay ng tuluyan ang katangian

Mahigit tatlong taon na ang lumipas
tatlong taon rin nanahimik ang pantas
Tatlong taon din walang iniwan bakas
Tatlong taon 'di na silayan ang bukas

At ang mga dahilan ng kanyang paglisan
Yaring problema ayaw siyang tantanan
Bawat araw na lumilipas sa talaan
Puro negatibong tungong kamatayan

Ito ang mga pangunahing dahilanan
Kung bakit na mulat na sa kamalayan
Bawat Ugali may paninindigan
Bawat karanasan amin kinatawan

Naranasan naman na maging masaya
Panahon maraming oras nakataya
Panahon natutuhan maging maligaya
Mga kahapon nang isang batang malaya

Sa mga bawat gintong araw na nagdaan
Naghalo mga kasiyahan na kailangan
Ang mga Aral na dapat ay matutuhan
Mga leksyon at disiplina dapat tikman

Mga memorya mula sa mga kaibigan
Mga, Guro, Kaklase, pamilya at pinsan
Lumikha sa mga panahon ay kanlungan
Sa banayad ng gintong araw at buwan

Gayun man 'di lahat ay kaginhawaan
May mga problema na dapat pagdaanan
Upang mahubog yaring mga katatagan
Sa mga hamon ng buhay ay ang digmaan

Si Jason ay sobrang mabait na nilalang
Lumaki ng maayos at hindi mangmang
Masaya sa simple't munting nalalaman
Sa mundo na kaniyang ginagalawan

Subalit ng tumongtung ng sekondarya
Sa isang pangyayari ang nagpalaya
Sa pulang tinta hindi na niya kinaya
Tinapalan ang yaring mundong masaya

Tinago ng ilan taon ang mga dusa
Sa bangongot sa gabi s'ya minamasa
Mga pulang tinta nagmula sa pulisya
Rosas ay kinulong ng di makalaya

Lumipas pa ang maraming taon liyag
Patuloy parin sa lungkot namayagpag
Ang mga galit ay mas lalong nagliliyab
Nabalot ng paghihiganti may alab

Na d'yan natutuhan makipagsabayan
Walang kanan, kaliwa kinakampihan
'Di uso sa kanya ang lupa at langit
Pagdating sa mga hangarin n'yang malupit

Umaga, gabi, umaraw o umulan
Mas lalong mababalot ng kadiliman
Si Jason na mas mabuting katangian
Tuluyan ng nabaon sa kamatayan

Si Jason na kilala na ninyong lahat
Matagal na naagnas yaring mga balat
Matagal na siyang nasa kalangitan
Nagmasid sa mga katangian naiwan

Binansagan baliw nang mga sambayanan
Dahil sa persona nitong katangian
Persona na may sariling kinatawan
At pag-uugaling'di maunawaan

Dahil sa mga nilalang nakapaligid
Mga taong inggit na aligid-aligid
Sa buhay ni jason kwento ay may hatid
Mula sa mga marites talpak; gilagid

Kung nanaisin ninyong tanungin si'ya
Kumusta na Jason? Masaya ka kaya
Sa mga lungkot ikaw ba ay nakalaya
Sa Husga, Lait, ikaw ba ay masaya

"Okay lang ako dito sa kalangitan
Masaya maman ako sa'kin tipan
Na si hesus ang nagpalaya sa akin
Sa bigat ng dinadala ng damdamin."

Talaang TulaWhere stories live. Discover now