5. XLIV - Latigong Rosas

6 0 0
                                    

Kaya ko pa ang umiyak
Habang nakatago sa rosas ng halimuyak
Kaya ko magpanggap na okay
Habang tinitiis ang sakit ng latay

Kaya ko pa ang palampasin
Ang mga salita mo masakit sa damdamin
Kahit madalas mo ako hampasin
Ng latigo tinik ng rosas, handa kong tiisin

Kaya ko pang hawakan
Ang mga sugat ng nakaraan
Para maisalba ang ala-ala nilaan
Nang ating pinagsamahan

Kaya ko pa ang ngumiti ulit
Kahit na ang puso ko'y hindi mawari
Kaya ko pa mag kunwari
At tiisin ang lahat ng sakit

Kaya ko pa nga na mahalin ka
Kahit gusto ko na umalis ka
Dahil batid ko hindi na kaya
Pero mananatili ako para lang sumaya

Kaya ko pa ang maghintay
Sa pagdating ng tamang panahon
Kahit manhid na ako sa iyong latay
At pagod na pero pilit parin ako umaahon

Pagdimating ang panahon iyon
Ako na mismong maghahayag sa nayon
Gayun din mismo sa akin sarili
Kaya ko na ang Lisanin ka't lumaya sa tali

Talaang TulaWhere stories live. Discover now