1. LVIII - Apoy

25 1 2
                                    

Ganito pala ang pakiramdam na masaktan
Sa taong minahal mo ng buong katapatan
Pakiramdam ko ay Unti-unting nagnginngitgit.
Ang puso ko dahil sa mga binigay mong sakit

Sumugal ako paramahalin mo ng todo
Kaya ito binaligtad ko na nga ang mundo
Mapansin mo lang itong nagliliyab kong puso
Kahit na alam ko singbagal pa yan ng suso

Sa ngiti mo pa lang ay naakit mo na ako.
Narito sayo na ang puso't kaluluwa ko
Handa na ako ibigay ang naisin mo
Basta ako na ang may-ari iyan puso mo

Aking maurirat ukol sayong pamamahal
Batid ko kung sino talaga ang iyong halal
Kaya ganon mo na lang binuhusan ng tubig
Ang apoy upang likat ito sa pagpipintig

Dahil tiin mo sila kaysa akong tigang na
Tigang sa pagmamahal ko sayo at sagana
Ano pa ba ang magagawa ko sa Ginoong
Marangal kung ang tiin niya'y yun ang binubulong.
At sa pag-aakala na magwawagi ako
Napalitan ng pagtangis at ng pagluha ko

Darwin Villanueva Salamat sa iniwan mo
Dahil may natutuhan ako sa ginawa mo
Ngunit tandaan mo! kung dumating ang panahon
Sana'y sindihan mo ang puso ko nasa pugon

Naghihintay lang ako sayo na mahalin mo
Upang pag-big na hinahanap ko'y matamo
Dahil sa oras na iba ang mag sindi nito.
Hindi tayo ang nakatadhana para dito

Talaang TulaKde žijí příběhy. Začni objevovat