5. XXVI - Eleksyon 2022

7 0 0
                                    

Sa pag-usbong ng liwanag
May mga planong nakalatag
Taas noong ihahayag
Ang platapormang nilatag

Kaya atin subaybayan
Mga kandidato naglaban
Nang maisakatuparan
Ang misyon para sa bayan

Sa palapit na eleksyon
Lahat may sariling leksyon
Ma angkin lang ang posisyon
Nang matupad ang mga misyon

Sa akin kapwa mamayan
Dapat n'yong pag-isipan
Sino ang may kakayahan
Sa'tin butong bibitawan

Talaang TulaWhere stories live. Discover now