1. XXIX - Encantadia

14 0 0
                                    

Sa aming lugar, mundo ng kababalaghan.

Mga diwata, sapirian at iba't ibang katawagan.

Sa encantadia tirahan ng lahat na may kapangyarihan.

Nakakapanindig balahibo't ang iba'y kinatatakutan.


Sila'y may mga kwentong, ating pakinggan.

Kanilang palasyo daw ay sa puno ng kagitingan.

May ibat ibang diwani, reyna't hari.

Sila'y may kapangyarihang, sila ang naghahari.


Atin nga nating kilalanin, silang lahat isa-isa.

Sapiro, Lireo, Adamya, Hatorya, Etherya at Asa.

Sa kanilang mga mukhang, talagang pambihira,

Maging sa kanilang wangis ay hindi na sisira.


Bakit nga ba natatakot, bata man o matanda.

Lalo na pag nakikita si imaw tanda.

Ehh mabait naman si lolo imaw.

Yun nga lang siya ay unano at mukhang halimaw.


Una sa lahat, ang mga Diwata na tinatawag.

Sila daw ay mababait, malagain, ang mga dilag.

Puso mo'y titibok kapag sila ay lumatag.

Mga hiling mo'y naisin kanilang hinilalaglag.


Hindi pahuhuli mga Hator ma kalaban.

Gusto'y hatinggabi rin, kung sila'y makikipag laban.

Hinahati ang kawal upang plano'y di bumabagal.

Puso't tao din ang paborito, kunin kahit pa nga bawal.


Ito namang makukulit, maliliit na Adamyan.

Sila nama'y yaong mga halimaw na mabuti sa bayan.

Sa gabi sila ay parang mga batang umiiyak.

Tingnan mo't wala naman, matatakot kang tiyak.


Kapag may nakita kang usok, sa puno ng kawayan.

Sila naman yaong seryso, makilatis sa lipunan.

Doon nama'y nakatambay, ang mga Sapirian.

Panay hithit ng patibong, akala mo'y makikipaglaban.


Sa tabi niya'y may humahalinghing na kabayo.

Pero tingnan mong maglakad, akala mo'y tayo.

Siya naman ang Aasli, na akala mo'y sino.

Lahi nila Matipuno, Seksi ang katawan ng kahit sino.


Sa daigdig nila'y iisa ang kanilang pinag-aagawan.

Isang babaeng napakaganda't pinapapantasyahan

Siya naman ang Etherian na kinakatakutan.

Mapang linlang sa anumang araw, oras buwan.


Sa isang madilim sa tabi'y may nanlilisik na mata nila.

Matutulis ang sandatang gamit at sa alak hayok sila.

Sila yaong matatapang, tinatawag na Ascano.

Sa alak at pera at sandata matagal mo sila makokonbinsido.


Kanilang mga karakter, ay alam natin mula pagkabata.

Mga kwento nila noon pa'y kinahuhalingan noon tayo'y bata.

Mga kathang isip na maituturing, kasaysayan.

Sila'y kasama natin nasa ibang mundo, bayan.

Talaang TulaWhere stories live. Discover now