Para akong na sa mundo ng mga punso
Madilim at nababalot ng mga rantso
Para silang Dwende nasa bawat paso
Nagbabantay at gumagabay sa lasoNang tanungin ko ang maliit na rantso
Lahat sila'y tahimik at nagsilukso
Galaw ng mundo ay parang napapaso
At naglitawan ang mga personang lasoDito'y unting nabuo ang mga retaso
Mga ala-ala sa isip ay bumugso
Kaya pala sa agosto akin berso
Ito pala ang mundo kong may permisoMaraming mga hinuha sa amin puso
Bawat isa ay may kanyang mga diskurso
Tila lahat ito'y hawid sa kongreso
Kung saan galit sa amin bumubugsoTrabaho ng isip ay mag asikaso
Ang himayin ang bawat isa tsismoso
Tahimik man ang pisikal na payaso
Sa mga tula ang kanyang ganting tambutsoIto ang nakita ko sa Ego laso
Nakalibing sa dilim ang puting puso
Yaring Rosas na Pula ay naka preso
Sa ibabaw nitong nagdurogong nitsoHabang ako ay na sa dilim ng punso
Napagtanto ko, ako'y persona laso
Isang bago ego ni jason, inabuso
Bagong katauhan nagmula sa pusoKinatawan ang bawat isang lungkot
Na nagmula kay Dennis puso ay gusot
At si Boa na babaeng anyong kulot
Si Cronos na talentong nababalotSi Mouri ang pangkalahatan persona
Si Raven Aaman ang masamang korona
Na nasa ibabaw namin mga persona
At habang si jason naman ay patay naAko si August sa lungkot ay lampaso
Kung makaramdam man ng saya sa puso
T'yak kapalit nito'y lungkot na may paso
Magpapatuloy at kung minsa'y bumugsoAgosto ito ang akin paraiso
Ito ang buwan, dapat mag asikaso
Sa saya dapat ako ay banidoso
At sa wika ko ay maging taos pusoPero bakit? Tila napuno ang baso
Sa saya natamasa sa akin berso
Lungkot ang umiral sa bawat palaso
Ito ba ang ganti, saya nasa usoBuwan ko maging matatag sa mundong to
Buwan din ito ng pagsilang ko dito
Buwan ito ng mga leo paborito
Buwan ng ako ay sa obra natutoPero sa tuwing sasapit ang Agosto
Ay sasapit din ang mga problemang dito
Tila pinagbabawalan ma kumpleto
Yaong buong buwan ng akin agostoMula sa pag-ibig na natamasa ko
Laging sa agoto ito sumisirkong
Ninais ko na mag mahal ng barako
Pero Sukling iniabot ay paglokoSa usapin mga kaibigan batid ko
Lahat sila ay mga suportadong arko
Mula sa Cancel, Brendo, at Ulikbako
Pero ni isa HINDI KILALA SINO AKOSa Pamilya numerong uno ayoko
Ayoko pag-usapan ang mga epiko
Yaring mga kaugalian meron tuko
Mga dahilan upang ako ay mapakoMarami sana ako gustong ihayag
Pero isa lang naman ako sa libag
Sa bawat buhay ng kilalang ko hayag
Na 'di interesado sa bawat layagKaya salamat sa taong abusado
Sa mga Marites na utak ay agodo
Sa Sumira ng akin Puso tinodo
At sa ahas dito sa parola tundoDahil sa inyo alipin kami sa galit
Sa pamumuno ni Raven ay hagupit
Habang kayo'y na iingit at nanglalait
HUDYAT n'ya ito, nang kayo ay pumangetAlam ko naman lungkot ang persona ko
Pero pinagkakait n'yo sa puso ko
Ang maging masaya at totong ako
Pero pinatay n'yo ang dating si ako
YOU ARE READING
Talaang Tula
PoetryAng mga Panulaan, Tula, Poem o Spoken Poetry ay kumakatawan sa kultura, Panitikan pilipino, At iba pa. Ang mga Tema at Pamagat ay Tulang Likha ng may AKDA na nag lalaman ng Katotohanan at Imahinasyon, maaring totoo maari rin kuro-kuro at ang iba ay...