1. XX - Rosas sa Dilim

39 1 0
                                    

Mundong madilim ika'y kakapa - kapa.

At wala kang liwanag na makikita.

At ang mundong balot ng galit at lungkot.

At tiyak na ikaw din ay matatakot.


Habang nag lalakbay ika'y manginginig.

Dahil sa huni ng iyong maulignig.

Kaunting kaluskos ika'y matatakot.

Dahil sa patakaran na kayayamot.


Mga patibong na salita na hinanda.

TAhimik at sarado ang buong lunga.

Halimuyak ng rosas ay lumaganap.

Sa gitna ng kadiliman na may ganap.


Nakaka pag pa amo ang bango ng rosas.

Sa taong gustong gustong tumaliwas.

Ngalit ng rosas ay iyong matitikman.

Pag ika'y lumaban sa pamahalaan.


Dagang takot na takot, makalayo lang.

Upang di mahuli makatakas ka lang.

Ang dami ng mga mata nakapaligid.

Kung mahuli Rosas ang nasa Paligid.

Talaang TulaWhere stories live. Discover now