5. XV - Sa pagkilatis ni Kimmie

1 0 0
                                    

Suportado naman kita
Sa desisyong mo nakita.
Nakakatuwang balita
Nang ika'y may ruon sinta

Ako'y isang kaibigan
Sa talim ng pahayagan
Sa letrang ko bibitawan
T'yak ikaw matatauhan

Akin si'yang hinusgahan
Sinuri ang katauhan
Mababaw ang'kin nalaman
Pero 'di yun ang batayan

Mabilis ko binitawan
Ang Oo kinagiliwan
Labag sa'kin kalooban
Ang desisyon binitawan

Bakas sa mukha mo saya
Tila ba ibon malaya
Awit ng mga ibon maya
Sa tingin mo'y liligaya

Ngunit may eksenang sawa!
Ang tinuring mong asawa
Umarte na bakunawa
Sa halikan 'di nanawa

Amin sinabi sa iyo
Ngunit sa'yo 'di totoo
Saksi mga kaibigan mo
Pero s'ya ang pinili mo

Una palang batid ko s'ya
Puta ina at gago s'ya
Puke mo ang kailangan n'ya
Laruan ka sa buhay n'ya

Ayoko na pahabain
Ayoko na palawigin
Ayoko na rin alamin
Bulag ka sa'min damdamin

Ako ang HR ng pangkat
Mga letrang sa'yo' lalapat
Tinig mo hindi sasapat
Pag ako na ang katapat

Talaang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon