5. XXXIX - Laruan

1 0 0
                                    

Hindi po laruan ang akin damdamin
Pagkatapos gamitin at mag landian
Bakit ganyan ka, kung 'di kayang angkinin
At mangangakong 'di kayang manindigan

Ano sa una ka lang pala magaling
Nagtanim ka ng rosas pero balingbing
Ang halimuyak ay nakakatililing
Nang sa'yo lalo ako ay mahumaling

Uulitin ko hindi ako laruan
Pagkatapos gamitin iiwan lang d'yan
Yung tipong tapos mo na pakinabangan
At pagsawaan, tikman at paraosan

Hindi  ako mumurahin na nilalang
Ginto ako nang likhain ng maylalang
Mahalaga ako at dapat igalang
Dahil 'di ako laruan patapon lang

Hanggang dito na lang ang dulot mo sa'kin
Ito ay nagbigay bangongot sa akin
At habang buhay ko na itong dadalhin
Ang pighati na dulot sa'kin damdamin

Grabe ang hagupit ng latigong rosas
Tinik nito'y nagbigay sugat at gasgas
At ang nagpatulog sa akin ng wagas
Kailanman 'di na makikita ang bukas

Talaang TulaWhere stories live. Discover now