Sa problema mo ikaw ay nagdurusa
Away magkakapatid mahirap magparaya
'Di nila mabatid ang punto mo pangmasa
Kaya pareho kayo hirap mag palayaHeto! nagtitiis kayo magkakapatid
Pataasan sa biniling pride na sabon bareta
Bawat isa may sariling kwentong litid
At bawat isa ay may kanyang bweltaBilang kaibigan mahirap mag payo
Lalo na kung ito usapin pamilya
Sa tingin ko sundin mo ang mabuting payo
Ni ate G. Sayo, para pareho kayo masaya.Carla bilang isang mabuting kaibigan sayo
At demonyon kaibigan sa mata ng kapit bahay mo
Yaring mga turan ko, iyong pakinggan
Ibsan ang pagtipid ng sobra sa inyong tahananDahil sa tingin ko ito'y isa sa dahilan
Kung bakit kayo ay may alitan
Batid ko marami pang isyung na d'yan
At kayo lang ang makakalutas ng pighatianUnawin ang mga awit ng binitawan ko sa'yo
Mga Liriko katotohanan, sana ay gawin mo
Mga tempo kalinisan, dapat balanse nilaan
Para banayad ang Melodiya ng inyong tirahanNakidalamhati naman sa'yo si falcon
Dinamayan ka rin n'ya sa kalungkutan mo ngayon
Iniwaldas n'ya ang patak ng luha para sa'yo
Ipinadama ang galit ng hangin nagmula sa puso mo
YOU ARE READING
Talaang Tula
PoetryAng mga Panulaan, Tula, Poem o Spoken Poetry ay kumakatawan sa kultura, Panitikan pilipino, At iba pa. Ang mga Tema at Pamagat ay Tulang Likha ng may AKDA na nag lalaman ng Katotohanan at Imahinasyon, maaring totoo maari rin kuro-kuro at ang iba ay...