Prologue

263 9 0
                                    

Athena Katherine's

"Babe, don't you have any plan on getting off this car?"

"Shut up, Dave. Can't you see? I'm concentrating here!"

"Concentrating for what? We've been here for about an hour or so, and I'm so bored .. I'm hungry .. I'm sleepy .. I'm --"

"Geez! I said shut up! Isang imik pa, sisipain na kita palabas ng sasakyan" inirapan lang ako ng lalaki at nagpasak na lang ng earphones sa tainga.

Napabuntong hininga na lang ako at muling tumingin sa malaking bahay na nasa harapan ko.

Siguradong nandiyan SIYA dahil matalik din niyang kaibigan ang kababata ko na nagdiriwang ng kaarawan ngayon kaya ako napilitang umuwi ng Pilipinas.

"Don't tell me, you're still affected with your ex."

"Tsk. Wala na akong pakialam sa kanya"

"Then let's go out of this shit! Gutom na gutom na ako!" Nakasimangot na sabi nya at bago ko pa siya mapigilan ay nakababa na siya ng sasakyan.

Bumuntong hininga ulit ako at kinalma ang sarili.

Damn, Athena! It's been three years. Dapat wala ka ng pakialam.

Napapitlag ako nung kumatok na si David sa bintanang nasa tapat ko at nung napatingin ako sa kanya ay hinihimas na nya ang tiyan nya. God! Bakit ko ba isinama itong asungot na to?

Inis na binuksan ko ang sasakyan at pabirong binatukan siya. Hanga din ako sa taong ito. Ang lakas kumain pero ang ganda ng katawan. Samantalang ako ay hanggang amoy amoy na lang minsan dahil ang bilis kong tumaba.

"Kunin mo yung gift natin doon sa compartment." Utos ko kay David na agad namang tumalima. Hindi ko na siya hinintay at basta na lang akong pumasok sa bahay ni Axel -- my childhood sweetheart/bestfriend.

Habang papasok ako ay hindi ko maiwasang mapangiti. Akalain mo nga namang malayo ang mararating ng lalaking yun samantalang nangongopya lang sa akin nung elementary kami. Well, he is now the CEO of the famous IT Company known as The SGC.

Nakarating ako sa may garden at nakita ko agad si Eunice na asawa ni Axel na kausap ang ilang mga bisita. It's a surprise party so Kuya Axel is not supposed to be here yet.

"Eunice!" Tawag ko sa babae na agad namang lumingon sa gawi ko. Nanlalaki ang mga mata nya habang tumatakbo palapit sa akin.

"Awts Miguel, double kill. Balik ka na lang ng US, Tol" Agad na nagpanting ang tainga ko nung narinig ko ang pangalang yun. Sabi ko na nga ba, narito SIYA.

Habang nagkakamustahan kami ni Eunice ay sakto namang lumapit sa akin si David at umakbay pa. Nanlaki ang mga mata ni Eunice habang nakatingin sa kanya. Kahit naman kasi aso't pusa kami ni David ay hindi ko itatangging gwapo talaga siya.

"Dave baby, this is Eunice, Kuya Axel's wife and Eunice this is David, a special friend of mine" dahil sa sinabi ko ay nakarinig ako ng pagsinghap sa mga nasa paligid. Kilalang kilala ko ang mga taong yun dahil minsan ko na rin silang nakasama dati.

"Tangina Juan Miguel, pakamatay ka na lang kaya" Naikuyom ko ang mga kamay ko pero pinipili ko pa ring panatilihin ang matamis na ngiti sa labi ko.

Iginaya kami ni Eunice sa isang table. Hangga't maaari ay hindi ako tumitingin sa direksyon kung saan alam kong naroon SIYA.

Napa-angat ang tingin ko nung naramdaman kong hinawakan ni David ang kamay ko. Ipinagsiklop niya ang mga kamay namin at dinala pa yun sa tapat ng labi nya. Hindi ko maiwasang mapangiti. Napakasweet talaga kahit kailan ng taong 'to.

When the Goddess Casts Her SpellWhere stories live. Discover now