Chapter 39

73 6 0
                                    

Athena Katherine's

"Wag na wag kang tatabi sa'kin!"

Agad na napahinto siya sa akmang paghiga sa tabi ko. Tinaasan ko siya ng kilay kaya napakamot na lang siya sa ulo niya at nagtatakang tumingin sa'kin.

"Ano na naman pong ginawa ko?" Malumanay na tanong niya kaya napanguso na lang ako.

"Amoy pusa ka. Doon ka na lang kay Minerva mo" nakakainis kasi. Buong maghapon na nga siyang wala dahil binisita niya yung tinatayong office niya tapos pagdating niya ay inuna pa niyang yakapin yung pusa niya kesa sa'kin.

Natatawang nahiga siya sa tabi ko kaya tinulak ko siya at pinilit ang sariling umipod hanggang sa nasa edge na ako ng bed. Sinamaan ko siya ng tingin nung ipinulupot niya ang braso sa'kin at marahan akong hinapit palapit sa kanya. "Bitaw kasi! Amoy pusa ka!"

Muli siyang natawa at hinaplos ang pisngi ko. "Naligo na ko. Dali na .. kiss mo na ko"

"Ayoko. Magsama kayo ng Minerva mo"

Ngumuso siya at pinalamlam ang mga mata. "Pinamimigay mo na ako?" Hindi ako sumagot at ipinikit na lang ang mga mata ko para hindi ko makita ang pagpapacute niya.

Nung naramdaman kong akmang tatayo siya ay agad ko siyang niyakap at sinubsob ang mukha ko sa leeg niya. "Dito ka lang. Kakainis ka naman e .. iiwan mo talaga ako?"

Natawa siya at hinalikan ako sa tuktok ng ulo ko. "You're so cute .. pero hindi kita iiwan .. may kukunin lang sana ako sa baba para hindi ka na magtampo"

Kunot noong tiningnan ko siya "Ano yun?"

Ngumisi siya "Si Mimi" agad naman akong napasimangot at naiinis na hinampas siya. "Bwisit ka talaga, Juan Miguel!"

Tawa siya ng tawa at pilit akong niyayakap pero tumalikod na ako sa gawi niya at nagtalukbong ng kumot. Yumayakap siya sa'kin pero pinapalis ko lang ang braso niya. Lalo lang akong naiinis dahil naririnig ko pa rin ang tawa niya na parang tuwang-tuwa siyang naiinis ako.

Ilang sandali pa ay naramdaman kong bumangon siya .. noong narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ay inalis ko ang talukbong ko at naupo sa kama. Naiiyak na hinaplos ko ang tiyan ko dahil sa inis ko kay Miguel.

"Hate ko si Papa, baby" seven months na nga ang tiyan ko, pero hindi pa rin ako pinapakasalan. Ni hindi pa nga ulit namin pinag-uusapan .. nagbago na ata ang isip sa'kin ng lalaking yun dahil ang taba taba ko na.

Noong narinig kong bubukas ulit ang pinto ay maingat na nahiga muli ako sa kama at nagtalukbong. Pilit kong pinupunasan ang mga luha ko pero patuloy pa rin ang pagtulo.

"Babe?" Malambing na tawag niya pero hindi ko siya pinapansin. Naramdaman ko namang bahagyang gumalaw si baby sa loob kaya napilitan akong tumikhaya .. pero nakatalukbong pa rin.

Naramdaman kong hinaplos ni Miguel ang tiyan ko .. at sa kabila ng kumot na nakatabon ay hinalikan niya ito.

"Baby, galit ata sa'kin si Mama" rinig kong sabi niya habang patuloy pa rin sa paghaplos sa tiyan ko. Napataas na lang ang kilay ko nung naramdaman ko na namang gumagalaw si baby sa loob. Mukhang maka-ama pa ang anak namin. Ang daya talaga!

Ilang sandali pa ay naramdaman ko siyang tumabi sa'kin at pilit na tinatanggal ang kumot ko. "Babe, show me your beautiful face please"

"Ayaw! Saka wag mo na akong lokohin! Di na ako maganda" hindi ko na napigilan ang pagpiyok at pagsinghot.

"Why are you crying?"

"I'm not!"

Napabuntong hininga siya "Babe, please .. look at me"

When the Goddess Casts Her SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon