Chapter 21

73 5 0
                                    

Athena Katherine's

"Ang sarap mo namang ayusan, Mars. Ganda-ganda!" Tuwang-tuwang sabi ni Andrea habang ginagawa niyang coloring book ang mukha ko.

"Oo nga e .. di talaga tayo nagkamali ng pili" sang-ayon pa ni Chairman habang kinukulot niya ang buhok ko.

Narito kami ngayon sa backstage ng auditorium dahil ngayon gaganapin ang talent portion namin. Bukas ay coronation night na at talagang kinakabahan na ako. Pilit ko pa ring inaalala ang mga itinuro sa akin ni Sir Wen noon. Kung sana nga lang may kontak pa ako sa kanya ay hihingi ako ng payo sa kung ano ang dapat kong gawin.

"Ano ba namang mukha yan, Mars? Ngumiti ka nga!" Sermon pa ni Andrea sa akin kaya napabuntong hininga na lang ako.

Nakangusong tiningnan ko siya. "Asan si Miguel?" Ang alam ko kasi ay hanggang 3:30 lang ang klase nila ngayon kaya ineexpect ko na makikita ko siya bago ako umakyat ng stage.

Napataas naman ang kilay ni Andrea at takang tiningnan ako. "Aba malay ko. Di'ba dapat ikaw ang may alam kung nasaan siya?"

Napakamot na lang ako sa ulo ko ngunit marahang hinampas ni Lizette ang kamay ko. Nagpeace sign lang naman ako sa kanya at muling bumaling kay Andrea. "Hindi siya nagtetext e. Ang alam ko tapos na ang klase nila ngayon so dapat nandito na siya"

"Baka naman nandiyan na sa labas at naghahakot ng cheering squad" singit sa amin ni Lizette.

"Oo nga naman, Mars. Wag ka na malungkot .. sure akong nandiyan lang sa tabi-tabi si Juan Miguel" segunda pa ni Andrea.


"Aba .. kaganda naman ng kapatid kong are ah!" Nakangising sabi ni Axel nung nakita ako. Mukhang sila ang kinuha ng department namin na sumayaw para sa intermission number. Pabirong inirapan ko lang siya dahil hindi na ako makapagsalita sa sobrang kaba.

Katatapos lang kasi ng doxology at ngayon ay nagsisimula na ang intro ng program. Pang number 10 pa naman kami ni Trev pero yung mga tuhod ko ay nangangatog na.

Natatawang inakbayan ako ni Axel at saka hinalikan sa tuktok ng ulo. "Isipin mo lang na ako yung kasayaw mo. Yung parang gaya ng dati"

Napanguso tuloy ako. "Dapat ikaw na lang pala ang partner ko"

Pinisil niya ang ilong ko kaya hinampas ko siya sa balikat. "Aray naman!"

Tinawanan lang niya ako at saka pinakawalan na sa yakap. Tinawag na kasi ng host ang dance crew nila. Kumindat lang siya sa akin bago at sumaludo bago lumabas doon sa stage.

Napatingin ako kay Trev na tahimik lang sa isang sulok. Nakapants lang siya at saka naka polo na puti .. mamaya pag sumayaw kami ay huhubarin niya yun .. panlaban din naman kasi ang katawan ng isang to.

Samantalang ako ay nakadress lang din na white. Ito at yung sa casual wear ko na lang yung pinag-ambagan ng mga kaklase ko para may maitulong naman daw sila sa akin.

Kami kami na lang ng mga candidates ang narito sa backstage. Yung iba sa kanila ay nakilala ko na rin dahil kami kami lang naman ang magkakasama sa practice.

"Umupo ka nga .. nakakahilo kang tingnan" masungit na sabi sa akin ni Trev at saka tinapik ang monoblock na nasa tabi niya.

"Nangangatog nga yung tuhod ko e" sabi ko na lang habang pabalik-balik na naglalakad at nginangatngat ang kuko ko sa hinlalaki. Siguradong lagot ako kay Andrea pag nalaman niyang sira na ang cutix ko.

"Kaya nga dapat nakaupo ka. Magrelax ka muna .. di naman kita pababayaan doon mamaya" kahit anong sabihin niya ay hindi pa rin nawawala ang kaba ko. Hindi ko na siya pinansin at nagpauli-uli na lang ulit. Napailing na lang siya sa akin at pinabayaan na ako.

When the Goddess Casts Her SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon