Chapter 30

73 5 0
                                    

Athena Katherine's

Agad akong napangiti nung sinend sa akin ni Miguel ang mga graduation pictures niya. Bagay na bagay sa kanya ang toga. Ang gwapo gwapo.

"Yan ang boyfriend mo?" Napalingon ako kay Sir Wen nung bigla siyang nagsalita mula sa likod ko. Binigyan ko siya ng isang tipid na ngiti at mas ihinarap pa sa kanya ang phone ko.

"Yes, Sir. At gagraduate na po siya next month" proud na sabi ko. Tumango-tango naman siya habang nakataas ang kilay at nagpapaypay.

"Bakit hindi ko man lang na-meet yan sa personal? Buti nga yung ex ni Andrea, nakilala ko na .. yan hindi pa" napakamot na lang ako sa ulo at napanguso.

"Busy po siya sa studies niya e. Nagsstart na po kasi siyang magreview for board exam tapos nagmamanage pa po siya ng business nila" kung kami nga bihira lang din magkita e.

"Ano ba yan? Baka pinaglololoko ka na niyan ha"

"Sir naman! Mabait po kaya ang boyfriend ko. Hilig niyo talaga sa issue" Bulong ko para hindi niya na marinig. Muli ko na lang binalik ang atensyon ko sa phone at nagreply kay Miguel.

"Anyway, malapit na ang deadline ng application for Bb. Pilipinas ah. Wala ka ba talagang balak?"

Bumuntong hininga ako. "Di para sa'kin yun, Sir. Nakita niyo na po ba yung mga kumakalat na pictures ng mga sasali daw? Mga batikan na po sa pageantry. Ako, wala pa akong masyadong experience. Kung sa bara-barangay po, pwede pa" yung iba sa kanila, mga kilala na talaga at maugong na ang pangalan dahil ilang beses nang sumali .. samantalang yung iba, mga artista naman na nakita ko na sa personal. Talagang magaganda at makikinis. Kaya nga nakakawala ng confidence minsan pag natatabi ako sa kanila pag naiinterview namin.

Napangiwi ako nung hinampas ako ni Sir Wen ng pamaypay na hawak niya sa ulo. "Gaga! Paano ka nga magkakaroon ng experience kung hindi mo itatry sumali? Saka malay mo naman. Nanalo ka nga noon na the day before ka lang sinabihan"

"Iba po yun, Sir. Pageant pambata po yun .. yan, buong Pilipinas na. Hindi pa naman po ganun kakapal ang mukha ko"

Bumuntong hininga si Sir Wen. "Sayang, Athena. Try mo lang .. Sige na. Ako na ang bahala sa mga kailangan mo"

Napakamot ako sa ulo ko. "Di na po talaga, Sir"

"Hmp! Bahala ka nga!" Inirapan pa niya ako bago nagdadabog na tumayo at umalis para iwan ako. Napanguso na lang ako habang nakatingin sa kanya.

Nag-ayos na lang ako ng sarili dahil mamaya ay sasalang na ako sa TV. Ako kasi ang ipinalit ni Sir Wen sa paghahatid ng mga showbiz report simula nung nagkaroon siya ng sariling late night show.

Hindi naging madali ang proseso nun dahil marami ang sumilip na mga kasama rin namin sa trabaho. Baguhan pa lang daw ako at wala pang masyadong experience pagdating sa ganun pero pinanindigan at ipinaglaban ni Sir Wen .. kaya bilang ganti, ginawa ko yung best ko. At habang lumilipas naman yung mga araw ay unti-unti na nilang natatanggap.

After ng trabaho ko ay umuwi rin agad ako. Pagdating ko sa apartment ay nakita ko si Andrea na tulog na tulog sa sofa. Nakakalat pa ang gamit niya kaya malamang sa malamang ay kararating lang niya at mukhang pagod na pagod. Well, mayroon na kasi siyang sariling travel show .. kaya yan, laging paalis.

Napailing na lang ako at hinubad ang sapatos niya. Inayos ko rin ang higa niya sa sofa .. hindi man lang nagising. Malamang ay pagod na pagod nga.

Dumeretso ako sa kwarto ko para magbihis. Napabuntong hininga ako nung nakakita na naman ako ng isang bouquet ng bulaklak sa ibabaw ng kama ko. Noong una ay natutuwa pa ako .. pero ngayon ay hindi na. Pag ganitong may dumadating na bouquet, ibig sabihin ay hindi na naman makakadalaw sa akin si Miguel. Noon nga ay halos mapuno na ng bulaklak yung kwarto ko at nagmimistulan na akong altar, dahil may times na araw-araw ang dating ng mga bulaklak. Pinagsabihan ko na si Miguel na wag na dahil sayang sa pera kaya ayan, once a week na lang siya kung magpadala.

When the Goddess Casts Her SpellWhere stories live. Discover now