Chapter 14

44 5 0
                                    

Athena Katherine's

"Anak pasensya ka na talaga ha .. hindi pa ako makakapagpadala ng allowance mo ngayon .. medyo matumal ang benta e"

Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko sa sinabi ni Nanay. Sa totoo lang ay kailangan ko ng pera ngayon dahil mayroon kaming project. Hindi pa naman ako sumasahod sa hardware dahil isang linggo pa lang akong nagtatrabaho doon.

"Okay lang po yun, Nay. May natitira pa naman po akong pera e" nasabi ko na lang para hindi na siya mag-alala. Napakunot ang noo ko noong narinig ko ang sunod sunod na ubo ni Nanay.

"Nay? Okay lang po ba kayo? Kanina pa yang ubo ninyo ah"

Natawa naman si Nanay dahil sa sinabi ko "Okay lang anak. Nasamid lang ako"

"Ho? Uminom ho muna kayo ng tubig. Saka baka nagpapatuyo na naman kayo ng pawis ha. Nay naman .. alagaan niyo po ang sarili niyo habang wala ako diyan" tinawanan lang niya ako kaya lalo lang siyang naubo.

"Ito talagang batang to. Wag mo akong intindihin .. okay lang ako. Ikaw diyan ang mag-ingat at mag-alaga sa sarili mo"

"Maayos naman po ako dito e"

"Mabuti naman kung ganoon .. o siya sige na, anak .. kailangan ko nang pumunta sa palengke e"

"Sige po Nay .. ingat po kayo. I love you, Nay"

"Mahal din kita, anak" narinig ko pa ang tunog ng halik niya bago niya ibaba ang tawag. Napangiti na lang ako dahil sa kasweetan niya.

Napatitig ako sa bubong ng bahay na tinutuluyan ko. Kitang kita ko ang mga butas doon .. pag-umuulan sa gabi ay lumilipat ako sa sala dahil ang daming tulo dito sa kwarto na sakto pa naman sa papag na tinutulungan ko.

Linggo ngayon. Wala akong pasok sa school at wala rin akong pasok sa hardware. Napabuntong hininga na lang ako at tuluyang bumangon na. Naglinis na lang ako ng bahay at saka naligo. Naupo ako sa sahig at saka kinuha ang mga notes ko para magreview ng kaunti .. nalalapit na kasi ang midterms namin.

Noong nakaramdam ako ng gutom ay itinabi ko muna ang mga gamit ko at saka lumabas ng bahay. Bibili na lang siguro ako sa labas ng pagkain. Wala kasi akong stock dito sa bahay kaya wala akong maluluto.

Nakatungo lang ako habang papalabas sa compound. May mga napapatingin sa akin pero hindi ko na sila pinapansin.

Pagdating ko sa karinderya na malapit ay pinili ko lang ang pinakamurang ulam at humingi ako ng kaunting sabaw. Kailangan kong magtipid hanggang sa araw ng pagsahod ko.

"O' anong gusto mong gawin sa mga damit na yan?! Kung hindi mo lalabhan yan, susunugin ko yan!" Napalingon ako doon sa may-ari ng karinderya habang galit na galit siya at pinapagalitan ang anak siguro niya. Nagkibit balikat na lang ako at tumalikod na para umalis noong nakuha ko na ang order ko. 

"Mama naman! May lakad nga ako ngayon .. humanap ka na lang ng labandera!" Napahinto ako sa paglalakad noong narinig ko yun. Pwedeng gawing sideline yun! Tutal wala naman akong ginagawa ngayon.

Napangiwi ako noong nakita kong piningot nung babae yung tainga ng anak niya. "Wala na ngang gustong maglaba para sa atin dahil nilalandi mo!"

"Aalis nga ako ngayon! Paano ako manlalandi?!"

Huminga ako ng malalim at saka lumapit sa kanila. Tumikhim ako kaya nakuha ko ang atensyon nila. Agad namang pinalis nung lalaki ang kamay ng nanay niyang nakahawak sa tainga niya at saka ngumiti noong nakita ako.

"Yes?" Nakataas kilay na tanong sa akin nung babae kaya nginitian ko na lang siya.

"Ahm .. sorry po, narinig ko po kasi kayo kanina. Pwede pong ako na lang ang maglaba ng mga damit niyo" magalang na sabi ko.

When the Goddess Casts Her SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon