Chapter 15

53 5 0
                                    

Athena Katherine's

"Bakit ikaw di pasok kahapon?"

Napayuko na lang ako noong sumalubong sa akin ang Boss ko. Strikto ang mukha niya at talagang nakakatakot ang mga tingin niya.

"Sorry po, Boss. Kumuha lang po ako ng financial assistance sa kapitolyo kahapon. Traffic po kasi at saka mahaba yung pila kaya di ako nakabalik agad" paliwanag ko. Tiningnan lang naman niya ako mula ulo hanggang paa bago muling binalik ang tingin sa mukha ko.

"Next time ikaw paalam" tumango lang ako sa kanya at kiming ngumiti. "Back to work!" Sigaw niya kaya halos mapatalon ako at dali-daling binaba ang bag ko. Napabuga na lang ako ng hangin noong tumalikod na siya.

Sa cashier niya ako pinapwesto noong hapong yun. Ang bait pa nga niya dahil binigyan ako ng turon at palamig bilang meryenda. In fairness, mabait naman ata ang amo ko.




"Ikaw uwi mag-isa?" Nagulat ako noong lumabas mula sa maliit niyang opisina ang boss ko. Akala ko ay nakauwi na siya kanina pa. Kadalasan kasi ay alas sais siya umaalis.

"Ahm .. opo, boss" Nagtext kasi sa akin si Miguel na may overnight sila dahil may report na kailangang tapusin kaya hindi niya ako masusundo sa trabaho at maihahatid sa bahay.

"Gusto mo hatid kita?"

Agad na umiling iling ako at pekeng tumawa. "Naku hindi na po. Kaya ko naman po mag-isa .. saka diyan lang naman po ako sa likod uuwi"

"Marami tambay diyan. Hatid na kita"

"Hindi na po talaga boss" nahihiyang sabi ko ngunit tumalikod na siya at lumabas ng hardware. Napakamot na lang ako sa ulo ko at sumunod sa kanya.

Nakapamulsa siyang naglalakad sa unahan ko at ako naman ay nakayuko lang na nakasunod habang papasok kami ng compound. Halos lahat ng daraanan namin ay ilag sa kanya pero kiming bumabati. Maging ang mga siga at manginginom ay parang maamong pusa noong nadaanan niya.

Pagdating namin sa bahay na tinutuluyan ko ay agad na rin naman siyang umalis kaya napabuntong hininga na lang ako at pumasok na sa loob. Ang weird ni boss ngayon. Akala ko nga ay tatanggalin niya ako sa trabaho dahil nga umabsent ako kahapon na walang paalam.

Napanguso na lang ako noong kumalam ang sikmura ko. Hindi ako nakadaan kina Aling Frida para kumain dahil nakakahiya naman kung magpapahintay pa ako sa boss ko. Mukhang noodles na lang ulit ang pagkain ko ngayon.

Habang nagbibihis ay napakunot ang noo ko noong may biglang kumatok sa pinto. Bigla akong kinabahan dahil wala kong ineexpect na bisita ngayon lalo na't malalim na ang gabi.

Dali-daling lumabas ako ng kwarto at saka pumunta ng kusina para kumuha ng kutsilyo. Muli akong bumaling sa pinto noong may kumatok na naman kaya dahan-dahang naglakad ako papunta doon. Sumilip ako sa butas ngunit hindi ko masyadong makita yung kumakatok dahil madilim sa labas.

Muling kumatok ang kung sinuman. "Babe?"

Halos manlambot ang tuhod ko noong narinig ko ang boses ni Miguel. Napahawak na lang ako sa dibdib ko at saka dali-daling binuksan ang pinto.

Kunot noong tumingin siya sa akin at saka parang naguguluhang humalik sa noo ko. "Ang putla mo. May nangyari ba?"

Inis na hinampas ko naman siya sa balikat at hinigit papasok. "Walanghiya ka! Bakit ka nananakot? Bakit hindi ka na lang nagsalita kanina?"

"Sorry na po .." malambing na sabi niya at saka niyakap ako. Napahinga na lang ako ng malalim para pakalmahin ang sarili. Rinig ko pa rin ang malakas na tibok ng puso ko.

"Bakit ka ba nandito? Akala ko may overnight kayo?" Tanong ko sa kanya at saka kumalas sa yakap. Nagtungo ako sa kusina para kumuha ng tubig. Sumunod naman siya at saka ipinatong sa lababo ang dala niyang pagkain na mula sa isang sikat na fast food chain.

When the Goddess Casts Her SpellWhere stories live. Discover now