Chapter 37

70 5 0
                                    

Athena Katherine's

"Anong ginagawa mo dito?" Nagmulat ako ng mga mata at tumigil rin sa pagtakbo sa treadmill nung narinig ko ang boses ni Miguel. May mini gym kasi sila dito sa bahay kaya naisipan ko munang mag exercise.

"Ahm .. nag-eexercise lang. Medyo matagal tagal na rin yung last na nagwork out ako e. Tingnan mo may mga baby fats na ko" nakangusong sabi ko sabay pakita sa kanya ng tiyan ko. Nanatili namang nakasalubong ang mga kilay ni Miguel at madilim rin ang awra ng mukha niya.

"Itigil mo yan" malamig na sabi niya kaya napakunot na rin ang noo ko. Ano na namang ginawa ko?

"15 minutes na lang .. wait lang"

"Sabi ko, tigilan mo na yan. At pwede ba, ayoko nang nakikitang pumapasok ka dito. Ipapatapon ko na ang lahat ng mga gamit dito" gigil na gigil na sabi niya habang nanlilisik pa ang mga mata kaya bahagyang napalunok ako. Noong hindi na ako nagsalita at basta na lang niya akong tinalikuran at lumabas ng kwarto. Anong nangyari dun?

Dali-daling sumunod ako sa kanya hanggang sa makarating siya sa kwarto. Naupo siya sa kama at naihilamos ang dalawang palad sa mukha niya na parang sobrang frustrated siya.

Dahan-dahang lumapit ako at tumabi sa kanya. Tangkang hahawakan ko sana ang kamay niya ngunit umiwas siya at tumayo.

Napatanga na lang ako nung muli ay lumabas siya ng kwarto at iniwan ako. Galit na naman ba siya sa'kin? Okay naman kami kagabi ah.

Kahit medyo naguguluhan pa rin ay hindi ko na siya sinundan. Nagderetso na lang ako sa bathroom at nagshower habang pilit pa ring inaalala kung ano ba ang kasalanan ko.

And then something hit me. Yung pangyayari noon na pilit kong kinakalimutan. Nangyari rin yun habang nasa gym ako .. mukhang nag-iwan ang pangyayaring yun ng trauma kay Miguel.

Dali-daling nagbihis ako at hinanap siya sa buong kabahayan pero hindi ko siya makita. Pilit ko rin siyang tinatawagan pero hindi siya sumasagot kaya nakaramdam ako ng takot. Iniwan na naman ba niya ako?

"Ma'am magbreakfast na daw po kayo sabi ni Sir JM" napatingin ako sa isang kasambahay at saka tipid siyang nginitian. Nakaalis na kasi si Tita Venus kaninang madaling araw dahil may aattendan daw na isang event sa parteng Bulacan .. kaya ako na lang ang natitira dito kasama ng mga katiwala.

"Di po ba niya sinabi kung saan siya pupunta?"

"Hindi po e. Basta ang bilin niya, wag daw po kayong palalabasin at pakainin daw po kayo ng marami" ayaw na nga niyang nag-eexercise ako, pakakainin pa ako ng madami.

"Sige po, mamaya na lang po ako kakain .. pag dating niya po"

"Naku, Ma'am magagalit yun. Ang bilin po niya ay wag kayong titigilan hangga't hindi kayo kumakain. Saka nga po pala, wag na daw po kayong papapasukin sa gym. Ipinapakandado na po iyon"

Napabuntong hininga na lang ako at naglakad patungong dining area. Ang haba ng lamesa at ang daming masasarap na pagkain pero ang lungkot dahil wala akong kasama. Nakakain na rin daw kasi sina Manang kaya hindi na nila ako masasamahan.

After kong sumubo ng kaunti ay doon ako tumambay sa may pool area. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita kung pinagpepyestahan pa rin ba ng media ang issues tungkol sa'kin dahil hindi naman ako nagbubukas ng tv. Maging mga social media accounts ko ay deactivated na.

Noong nararamdaman ko nang masakit na sa balat ang init ng araw ay pumasok na ako ng kabahayan. Bored na bored na ako. Ayaw naman nina Manang na tumulong ako sa mga gawaing bahay .. kaya nagpunta na lang ako sa kusina para magbake.

When the Goddess Casts Her SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon