Chapter 35

71 6 0
                                    

Athena Katherine's

Agad na inatake ng kaba at takot ang buong sistema ko nung pagmulat ko ng mga mata ko ay hindi pamilyar na silid ang nabungaran ko. Kahit nanghihina at nanakit ang buong katawan ko ay pinilit ko ang sariling tumayo.

"Aww" daing ko sabay hawak sa tiyan noong muli iyong humilab. Nakaramdam din ako ng pagkahilo kaya muli akong napahiga sa kama.

Kanina, pagkagaling ko sa condo ni Miguel ay sumakay ako sa isang taxi at nagpahatid terminal ng bus dahil gusto ko sanang umuwi ng Masbate para puntahan si Nanay at magsumbong sa kanya .. tapos ngayon, hindi ko na alam kung nasaan ako.

Napatingin ako sa pinto nung bumukas yun at may pumasok na isang lalaking hindi ko kakilala. May dala siyang isang tray ng pagkain at may nakapaskil na maliit na ngiti sa labi. "I'm glad you're awake"

"Who are you? Anong ginawa mo sa'kin?" Walang lakas na tanong ko dahil ang bigat talaga ng pakiramdam ko. Hindi pa ako masyadong nakakarecover mula sa pagkawala ng ..

Mariing naipikit ko ang mga mata ko nung naalala ko na naman ang masalimuot na pangyayaring yun .. pati na rin ang mga mata ni Miguel na punong puno ng galit at sakit.

Natagpuan ko na naman ang sariling umiiyak. Hindi pa ba ubos ang mga luha ko? Sawang sawa na akong umiyak.

"Hey, wala akong ginawa sayo! Nakita lang kitang nahimatay sa terminal kanina kaya dinala muna kita rito sa bahay bago ka pa dumugin ng mga tao" natatarantang paliwanag nung lalaki at hindi alam kung paano ako patatahanin. Napabuntong hininga siya at napakamot sa ulo niya.

"Mommy!" Sigaw niya at ilang sandali pa ay may pumasok na isang ginang sa kwarto at agad rin akong dinaluhan.

"Hey, don't be scared. Hindi kami masamang tao" malumanay na sabi niya pero hindi ko na siya inintindi. Honestly, wala akong pakialam kung ano pa ang gawin nila sa'kin. Wala na rin namang mag-aalala at masasaktan pag nawala ako.

"Dave, ikuha mo muna siya ng tubig" utos niya doon sa lalaki na agad namang tumalima. Sinapo nung babae ang mukha ko at masuyo niya akong nginitian. "Shush, tahan na. Everything's going to be fine"

Lalo lang akong naiyak sa sinabi niya. Fine? Malabo nang mangyari yun.

Bumalik yung lalaki na may dalang isang basong tubig at inalalayan naman ako nung ginang na makasandal sa headboard para makaupo ako. Ibinigay niya sa akin ang tubig at agad ko naman iyong ininom dahil nanunuyo na ang lalamunan ko.

Hinawakan nung ginang ang dalawang kamay ko. "Relax. Inhale" ipinikit ko ang mga mata ko at sinunod ang sinabi niya. "Exhale"

Ilang beses pa niyang ipinaulit sa akin yun hanggang sa tuluyan akong kumalma. Noong sa wakas ay nasaid na ata ang mga luha ko ay nagmulat ako ng mga mata at nabungaran ko ang ginang na may masuyong ngiti sa labi.

Nagawi ang tingin ko doon sa lalaking kanina pa nakamasid sa amin. Naglapat ang mga labi niya at nakakuyom ang mga kamay niya. "Sinong gumawa sayo niyan? Sinong nagpaiyak sayo?"

Malamig na tanong niya kaya napatanga ako sa kanya. Ngayon ko lang siya nakita pero ganun siya mag-react?

Napangiwi naman siya nung bigla siyang hinampas ng ginang sa balikat. "Wag mong takutin yung kapatid mo! Manang-mana ka talaga sa ama mong mainitin ang ulo!"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig. "K-kapatid?"

Bumaling sa akin ang ginang at muling ngumiti. "Matagal ka na naming hinahanap. Kahit noong mga panahong buhay pa si Miller .. ang Daddy mo"

"D-da .. D-daddy?" Matagal nang panahon kong kinalimutan ang paghahanap sa taong yun.

Tumango-tango ang babae at hinaplos ang buhok ko. "Matagal kang hinanap ni Miller pero itinatago ka ng Nanay mo .. hanggang sa namatay na lang siyang hindi ka nakikita" malungkot na sabi ng ginang sabay abot sa akin ng isang larawan kung saan naroon ang isang lalaking malaki ang pagkakahawig sa lalaking nasa picture na ibinigay sa akin ni Trina noon.

When the Goddess Casts Her SpellDär berättelser lever. Upptäck nu