Chapter 5

62 5 0
                                    

Athena Katherine's

"Anong hitsura yan, Teng? First day of school pero mukhang Semana Santa ang mukha mo" pang-aasar sa akin ni Axel habang naglalakad kami papasok sa school.

"E' kasi naman grade 6 na tayo. Ibig sabihin, mayroon na lang tayong 10 months na magkasama" malungkot na sabi ko.

"Tsk. Alam mo, mabilis talagang lumilipas ang mga araw pag binibilang. Malulungkot ka na lang talaga pag lagi mong iniisip ang pag-alis ko"

"E anong gusto mong gawin ko? Alam mo namang ikaw lang yung lagi kong kakampi dito" napatingin ako sa kanya noong umakbay siya sa akin.

"Wag na lang tayong masyadong mag-isip. Matagal pa naman yun e, mag-enjoy na lang muna tayo .. at gumawa ng maraming memories"

"Para namang mamamatay ka nyan, Kuya" natatawang sabi ko kaya pinitik niya ang ilong ko.

"Ikaw diyan ang madrama tapos ngayon, ako ang aasarin mo!" Pikon niyang sabi at nauna nang maglakad sa akin. Natatawang humabol ako sa kanya at ako naman ngayon ang humawak sa strap ng bag niya. Mamimiss ko talaga siya.





"Anak, may ibibigay ako sayo" kakauwi ko pa lang bahay nung bigla akong hinila ni Nanay paakyat ng kwarto.

Nagtatakang tumingin ako sa kanya noong pati ang pinto ay sinaraduhan niya na para bang malaking sikreto ang kung ano mang ibibigay niya. "Ano po ba yun, Nay? Gagawa pa po kami ng assignment ni Kuya e"

Ngumisi lang si Nanay at saka humarap sa damitan namin. Pagharap niya ay may hawak na siyang isang maliit na box na kulay pink at may ribbon na white sa ibabaw. Inabot niya iyon sa akin kaya nagtatakang binuksan ko yun. Napasinghap ako nung tumambad sa akin ang kulay ginto na kwintas at ang pendant noon ay cursive writing ng pangalan ko.

"Hala, Nay! Baka po mahal ito" bulalas ko habang hinahaplos ang magandang alahas na nasa harapan ko.

Tumawa lang si Nanay at kinuha niya sa mga kamay ko ang kwintas at pagkatapos ay pinatalikod ako. Ilang sandali pa ay naramdaman kong isuot na niya sa akin yun. "Wag mong alalahanin ang presyo, anak. Hindi pa kasi kita nabibigyan ng regalo simula nung nag-aral ka samantalang napakatataas lagi ng mga grado mo" sabay abot niya sa akin ng salamin.

Agad na napangiti ako nung nakita ko ang magandang alahas na nasa leeg ko. First time kong nakapagsuot ng ganito. Humarap ako kay Nanay at yumakap. "Thank you, Nanay"

Nangingiting sinapo niya ang mukha ko at dinutdot ang ilong ko. "Wala yun. Basta para sayo, anak"

Ang swerte ko talaga kay Nanay. Kailanman, hindi niya ipinaramdam sa akin na may kulang sa amin. Lagi siyang nariyan para sa akin para punan ang lahat ng butas ng puso ko dahil sa kawalan ng isang ama.




Naging mabilis ang paglipas ng mga araw. Sa school ay medyo komportable na ako dahil sa wakas ay wala na si Sir Fritz. Lumipat na daw ito sa isang school sa bayan kaya wala na akong alalahanin.

Muling dumating ang araw ng pagpili para sa magiging representative ng school para sa Bb. Kalikasan. Yun nga lang, dalawa kaming pinagpipilian. Yung isa ay yung crush ni Axel na si Faye tapos ako. Transferee lang sa school namin si Faye at talagang napakaganda niya. Ang puti puti at talagang makinis ang balat.

Narito kami ngayong dalawa ni Faye sa stage at nagpapractice sa paglakad. Ang sabi ni Sir Wen, kung sino daw ang mas okay ay siyang mapipili. Medyo nawawalan na ako ng pag-asa dahil mukhang bihasa si Faye sa mga ganito. Ang alam ko ay lumaki siyang Maynila kaya talagang mas may alam siya kaysa sa akin.

"Go, Teng!" Napaangat ang tingin ko noong narinig ko ang sigaw ni Axel. Siguro ay tapos na ang klase dahil halos lahat ay narito sa gym at nanonood sa amin.

When the Goddess Casts Her SpellWhere stories live. Discover now