Chapter 26

55 5 0
                                    

Athena Katherine's

"Good morning, babe"

Agad na bati sa akin ni Miguel pagkababa ko ng jeep. Hindi niya kasi ako nasundo sa bahay dahil tinanghali daw siya ng gising.

Inirapan ko lang siya at nauna nang maglakad papasok ng gate. Naramdaman ko namang nakasunod siya sa akin pero hindi ko pa rin siya nililingon. Hindi ako nagsalita hanggang sa makarating kami sa building namin .. maging siya ay tahimik rin.

Ngunit bago ako pumasok sa building namin ay hinawakan niya ang kamay ko at marahan akong pinaharap sa kanya. Sinapo niya ang mukha ko at hinalikan ako sa noo. "I'm sorry kung di ako nakapagtext kagabi. Mag-uusap tayo mamaya .. I love you" Bulong niya kaya nakagat ko na lang ang ibabang labi ko at tumango-tango. Ngumiti lang siya at saka tumalikod na at naglakad palayo.

Napabuntong hininga na lang ako. Buti na lang talaga, malawak ang pang-unawa ni Miguel sa mga topak ko.

Kinalkal ko na lang ang phone ko sa bag para magtext sa kanya. May tiwala naman ako sa kanya at alam kong wala siyang ginagawang masama. Nagselos lang naman ako e.

"Ayy!" Bulalas ko nung sumala ang tapak ng paa ko sa baitang ng hagdan. Huli na para maihawak ko ang kamay ko sa pader kaya ipinikit ko na lang ang mata ko at hinintay ang pagsubsob ko ..

"Tsk" kasabay ng pagpalatak ng isang lalaki ay ang maghawak nito sa braso ko at paghila niya sa akin para hindi ako tuluyang masubsob. Iminulat ko ang mga mata ko at napasinghap na lang nung nakita ko ang seryosong mukha ni Trev habang nakatingin sa akin. "Hindi ba makakapaghintay yung katext mo hanggang sa makarating ka man lang sa room ninyo?" Masungit na tanong niya kaya tumikhim ako at mabilis na lumayo sa kanya.

Buti na lang talaga at wala pang mga estudyanteng dumadaan kaya hindi nakakahiya. "Ahm .. thanks"

Umiling-iling lang si Trev at saka namulsa bago nauna nang umakyat sa akin sa taas. Napanguso na lang ako .. ang sungit talaga ng lalaking yun kahit na kailan.

Nagmadali na lang din akong pumunta ng room dahil nakakainis si Trev. Kala mo di naging kaibigan.

Nung lunch break ay nagpasama ako kay Andrea sa building ng CAE para puntahan si Miguel. Gusto kong magsorry dahil ang childish ko kanina. Sakto namang pagdating namin doon ay naglalabasan na rin sila.

Naningkit naman ang mga mata ko nung nakitang sabay pa talaga silang lumabas ni Charm sa room habang nagtatawanan. Nung nakita niya ako ay lumapad ang ngiti niya at patakbong lumapit sa akin. Nag-init pa nga ang pisngi ko nung bigla na lang niya akong niyakap kahit na maraming estudyante ang nakatingin. "Galit ka pa sa'kin, babe?" Parang batang tanong niya kaya napabuntong hininga na lang ako at tinapik ang balikat niya para lumayo siya sa akin.

Natawa ako nung nakitang nakanguso pa siya kaya tumingkayad ako para pisilin ang ilong niya. "Hindi po"

Ngumiti siya at saka hinawakan ang kamay ko. "I love you" napangiti na lang ako .. tama, walang dapat ikaselos kay Miguel. Alam kong ako lang ang mahal niya.

"I love you too" pinisil niya ang ilong ko at kinintalan ako ng mabilis na halik sa noo.

"Tsk. Gutom na ako. Tara na sa canteen .. jusmiyo ang aga ng dessert!" Palatak ni Andrea na nauna nang maglakad paalis kaya nagtawanan na lang kami at sumunod sa kanya.

After ng klase namin ay dumeretso ako sa auditorium para sa practice namin. Naroon na si Kuya Lloyd na kumakaway kaway pa sa akin kaya agad akong lumapit sa kanya. Kitang kita ko kung paano umikot ang mga mata ng mga kandidatang kasama ko kaya nanahimik na lang ako. Ewan ko ba .. parang laging maiinit ang dugo nila sa akin.

When the Goddess Casts Her SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon