Chapter 29

68 5 0
                                    

Athena Katherine's

Masigabong palakpakan, malalakas na sigawan at luha ng kaligayahan ang namayani sa buong auditorium pagkatapos ng mahabang seremonyas ng graduation namin.

"Congratulations sa'tin, Mars!" Tili ni Andrea at saka ako dinamba ng yakap kaya napailing na lang ako at niyakap siya pabalik.

Nakakatuwa lang na pareho kaming grumaduate with flying colors. Hindi rin kasi talaga biro yung mga pinagdaanan namin para lang makatapos kami. Nandiyan yung pumapasok kami ng halos walang tulog dahil kailangang mag-overtime sa pinagtatrabahuhan naming coffee shop. Yung struggles namin nung OJT gaya nung papasok kami ng walang kain dahil tanghaling nagising dahil sa pagod. Lahat ng yun worth it ngayong hawak na namin ang mga diploma at medalya namin.

Napabitaw ako sa yakap kay Andrea nung natanaw ko si Nanay at Tita Venus na palapit sa amin. Yumakap ako sa kanila at humalik sa pisngi nila. Napanguso na lang ako nung hindi ko nakita ni Miguel. Nandito lang yun kanina e.

"Mars, una na ako ha! See you na lang bukas!" Sabi sa akin ni Andrea sabay beso. Pati kina Nanay at Tita Venus ay bumeso siya bago umalis kasama ng tatay niya.

Bukas kasi ng madaling araw ay sabay kaming babalik sa Manila. Nagtry kasi kaming magpasa ng curriculum vitae sa company kung saan kami nag-OJT and thankfully ay nakakuha kami ng schedule for interview bukas na bukas rin. Sana talaga ay makapasa para makapagtrabaho na din ako agad. Ayoko na kasing pabalikin si Nanay sa probinsya dahil nagkakasakit na rin siya. Gusto ko siyang alagaan na lang dito.

Napapitlag ako nung may basta na lang yumakap mula sa likod ko. Napangiti ako nung naamoy ko siya. Agad naman siyang nagnakaw ng halik sa pisngi ko at inabutan ako ng isang bouquet ng ecuadorian roses. "Congratulations, my love"

Humarap ako sa kanya at mabilis ring humalik sa pisngi niya. "Thank you, babe. I love you"

"And I love you too" sa sobrang saya ko ay dumampa pa ako ng yakap sa kanya. Tawa naman siya ng tawa habang tinatapik tapik ang likod ko at panaka-nakang binubuhat ako.

Sayang nga lang at di kami makapagpicture ng nakatoga together. Next year pa kasi siya gagraduate. Pero hanga talaga ako rito sa Mr. Best in Math ko .. Nakakasurvived talaga siya sa Accountancy at hindi rin pasang awa ang mga grades niya.

"Hay naku itong dalawang 'to .. halika na, Athena. Mag-iimpake pa tayo ng mga gamit mo" natatawang sabi ni Nanay kaya napabitaw kami ni Miguel sa isa't-isa at magkahawak ng kamay na humarap sa kanila ni Tita Venus na napapailing na lang.

Nagpicturan lang kami saglit bago lumabas ng auditorium. Dumeretso kami sa isang restaurant dahil nagyaya si Tita Venus na hindi naman namin matanggihan.

"Congratulations, darling. I'm so proud of you" ani Tita Venus habang marahang pinipisil ang kamay ko.

"Thank you din po, Tita. Sa suporta at saka syempre doon sa scholarship po"

Ngumiti siya at pinisil ang pisngi ko. "Don't mention it"

Matapos naming kumain ay hinatid na kami ni Miguel sa bahay nina Axel. May handaan doon kaya ang daming tao. Hindi naman kami masyadong naiilang dahil halos kilala ko rin ang mga narito. Umuwi nga rin pala ang parents nina Axel dahil akalain mong academic excellence awardee ang kababata ko. Samantalang nanunulad lang sa akin dati.

"Nay, wag na po kayong uuwi sa probinsya ha. Magsama na po tayo sa Manila .. mas maaalagaan ko po kayo dun" sabi ko kay Nanay habang inaayos namin ang mga gamit ko. Medyo marami-rami din 'to dahil ang tagal ko ring namalagi sa bahay na to.

"Okay lang naman ako sa probinsya, anak. Saka naaawa kasi ako sa Tiya mo. Hindi na makatayo sa higaan. Hindi naman maasikaso ni Trina dahil buntis na naman pala yung batang yun. Ang mamahal na nga ng mga gamot ng anak na panganay, nakuha pang magbuntis ulit"

When the Goddess Casts Her SpellWhere stories live. Discover now