Chapter 31

60 5 0
                                    

Athena Katherine's

Sinubukan ko ulit tawagan si Trina pero hindi na niya sinasagot kaya lalo akong hindi napalagay. Sinubukan ko rin tawagan ang numero mismo ni Nanay pero out of coverage area na yun ngayon.

Nanginginig na ang buong katawan ko at nahihirapan na rin akong huminga dahil sa sobrang kaba pero pinilit ko ang sariling kumalma. Agad kong tinawagan si Hans na alam kong makakatulong sa aking makauwi sa Masbate sa lalong madaling panahon.

"Hindi mo ba alam kung anong oras na?!" Napahagulhol na lang ako nung narinig ko ang sigaw niya mula sa kabilang linya.

"Shit! Athena? Sorry, sorry. Hindi ko kasi tiningnan ang caller id. A-anong problema? Inaway ka ba ni Juan?" Natatarantang tanong niya pero hindi na ako nakapagsalita at mas napahagulhol na lang. Pabagsak na bukas ang pinto at pumasok doon si Andrea na nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa akin.

Nagmamadali siyang lumapit at niyakap ako kaya mas lalo lang akong napaiyak. "Mars? Ano bang nangyari?" Paulit-ulit niyang tanong pero tanging iling lang ang naisasagot ko sa kanya.

"Mars naman e! May masakit ba sayo?" Naiiyak na rin niyang tanong habang hawak sa isang kamay ang sariling phone.

"S-si .. n-nanay" hindi ko alam kung para saan ang kaba at panginginig ko gayong wala naman akong ideya kung ano ba talaga ang nangyari kay Nanay.

Umalis saglit si Andrea at pagbalik niya ay may dala na siyang isang pitsel na tubig dahil siguro sa pagkataranta. Napakamot na lang siya sa ulo at bumalik sa kusina para kumuha ng baso.

Uminom ako at pinilit ang sariling kumalma. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at bumilang ng hanggang sampo bago tumayo sa kama.

"Saan ka pupunta?" Takang tanong ni Andrea nung nakitang nagbibihis na ako ng damit.

"Kailangan kong puntahan si Nanay. Pwede bang pakikontak ulit si Hans?" Nalimutan ko na nga pala ang isang yun. Inistorbo ko pa naman sa kalagitnaan ng gabi.

"Ha? S-sige .. wait lang" Gamit ang sarili kong phone ay muli kong kinontak si Trina pero hindi ko na rin siya makontak.

"Mars, di sinasagot ni Honesto e"

"Try mo ulit. Nakontak ko na kanina e" tumango lang siya at muling binalingan ang phone niya.

"Di pa rin ba sumasagot?"

"Hindi e. Kahit nga si Antonio, di sumasagot .. papupuntahin ko sana kina Hans" bumuntong hininga na lang ako at tumango. "Sige .. magkocommute na lang ako. Baka may masasakyan pa naman"

"Ha?! Kalagitnaan ng gabi? Delikado, mars!"

"Pero kailangan ako ni Nanay!" Naiiyak na naman ako nang maalala ko si Nanay. Kausap ko lang siya noong isang linggo e. Binalita pa nga niyang nakakalakad na daw ulit si Tiya Tina. Nakakainis naman si Trina e! Bakit di na lang niya ako diretsuhin? Mas lalo tuloy akong natatakot sa pwede kong madatnan dun. Paano kung may sakit pala si Nanay? O kaya nahuli ng barangay dahil medyo nahahawa na siya sa mga kaibigan niyang chismosa. O kaya nakatakas si Tiyo Gado at binalikan siya? Ang daming senaryong pumapasok sa utak ko at puro iyon mga negatibo.

"Pero ipagpabukas mo na lang. Kahit mga 5 am siguro may byahe na nun"

"Andrea, hindi ako mapapalagay kung maghihintay lang ako dito"

Napakamot siya sa ulo niya at muling kinulit si Hans. Kinuha ko na ang mga bagahe ko at lumabas na ng kwarto. Kasunod ko si Andrea na pilit pa rin akong pinipigilan.

Sabay nanlaki ang mga mata namin nung pagbukas namin ng pinto ay nakita namin sina Hans, Miguel, Lynard at Jerick na mga hingal na hingal at nakapantulog lang. Agad akong hinila ni Miguel at niyakap ng mahigpit. "What happened?"

When the Goddess Casts Her SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon