Chapter 25

51 5 0
                                    

Athena Katherine's

"Happy birthday, babe!" Nakangiting bati ko kay Miguel pagpasok niya ng bahay nina Axel. Nagtatakbo ako pababa ng hagdan at agad naman niyang binuka ang mga bisig para salubungin ako ng yakap.

Narinig kong natawa siya habang nakasiksik ang mukha ko sa dibdib niya. Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko at sinapo ang mukha ko. "Happy Anniversary" nakangising bati niya kaya napasimangot ako.

"Anong Anniversary?! December ang Anniversary natin ah!" Kahit masama ang tingin ko sa kanya ay nagawa pa rin niyang ngumiti at pisilin ang ilong ko.

"E di'ba eto yung unang araw na nagkasama tayo. Nung enrollment tapos sinabi ni Master na girlfriend kita para makasingit ka sa pila" nakangising sabi niya .. natatandaan niya talaga yun?

"Baliw ka! Hindi official yun!"

Nagkibit balikat naman siya at saka ako muling kinabig para yakapin. "I don't care. Basta para sa'kin, girlfriend na kita nun"

"Pala-desisyon ka rin talaga, 'no?" Natatawang tanong ko sa kanya na mas ikinalapad ng ngiti niya.

"Pag sayo lang naman"

Pinisil ko ang ilong niya at binigyan siya ng mabilis na halik sa pisngi. "Masyado kang inlove sa'kin"

"Guilty as charged" napailing na lang ako sa kalokohan niya.

Ang bilis din talaga ng panahon. Isang taon na pala simula nung unang beses kaming nagkasama at wala pa rin talaga siyang pagbabago. Napakasweet pa rin at maalaga. Kaya mas lalo akong napapamahal sa kanya.

"Edi dalawa ang Anniversary natin?" Natatawang tanong ko.

"Oo .. itong araw na to, para nung unang beses mo akong ginayuma .. tapos sa December yung araw na tuluyan mo akong pinikot" pang-aasar niya kaya naiinis na hinampas ko siya sa balikat.

"Hindi kita ginayuma at lalong hindi kita pinikot!"

"Don't worry baby, I'm a willing victim" Inirapan ko siya at dinutdot ang noo niya. "Puro ka kalokohan"

Pinisil at pinanggigilan niya ang ilong ko. "Mahal ka lang talaga"

"Tsk .. ang dami namang langgam dito. Nakakainis" nakasimangot na sabi ni Axel pagbaba niya ng hagdan. Noong nakita niya si Miguel ay basta na lang niya itong binatukan kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Kuya naman e!" Inirapan lang niya ako at dinutdot ang pisngi ko. "Magbihis ka na kung may lakad kayo" bumaling siya kay Miguel. "Happy Birthday, pare .. pero 7 pm pa rin ang curfew ni Teng" tinapik pa niya ang balikat ni Miguel bago siya nagpunta ng kusina.

Napakamot naman sa ulo niya si Miguel at nakangusong tiningnan ako. "Mas mahigpit pa kay Nanay si Master e. Nagpaalam kaya ako kay Nanay"

Tinawanan ko lang siya at hinalikan muli sa pisngi bago umakyat muli sa taas para mag-ayos.

Pagtapos kong mag-ayos ay bumaba rin ako agad at nakita ko si Miguel na nasa kusina at kumakain kasama si Kuya Axel. Nung nakita niya ako ay pinaupo niya ako sa tabi niya at pinagsandukan ng pagkain. Alam kong hindi niya yun luto dahil wala naman siyang dala kanina nung dumating siya.

After naming kumain ay lumabas na rin kami ng bahay. "Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. Wala naman kasi kaming plano .. gusto lang namin na magkasama ngayong araw na to.

Nagkibit balikat siya. "Saan mo ba gusto?"

Buti na lang talaga at nakapag-enroll na kami kahapon para sa ikalawang taon namin sa kolehiyo. Konti na lang .. matutulungan ko na si Nanay.

When the Goddess Casts Her SpellWhere stories live. Discover now