Chapter 3

53 5 0
                                    

Warning: Abuse/Harassment

Athena Katherine's

"Hoy, Mahal na prinsesa! Baka gusto mong tumayo na diyan at magsaing. Nagugutom na po ako!" Naalimpungatan na lang ako sa sigaw ni Trina habang sinisipa sipa pa ako.

"Masakit pa kasi yung paa ko, Trina" mahinang sabi ko. Kagabi ay pinahilot pa namin ito ni Nanay isa matandang manghihilot na taga rito din sa baryo namin.

"So hihintayin ko munang gumaling yang paa mo bago ako kumain?" Sarkastikong tanong nya..

Napailing na lang ako at sinikap na makatayo ng higaan. Wala naman akong magagawa kundi ang sundin siya dahil nakikitira lang naman kami dito sa bahay nila.

Kami lang ni Trina ang narito sa bahay ngayon. Maagang kasing umaalis sina Nanay pati sina Tiyo Gado at Tiya Tina pag Sabado at Linggo dahil yun ang araw ng tag-dami ng tao sa palengke.

Halos maluha ako habang pilit na humahakbang pababa ng hagdan. Parang lahat ng sakit at pagod ko sa practice kahapon ay nararamdaman ko ngayon. Dagdag pa ang sakit ng ulo ko dahil sa biglaang paggising sa akin kanina.

Agad na nagtungo ako sa may likod ng bahay at nagpadalit ng apoy. Buti na lang at hindi ko na kailangang magsibak ng kahoy dahil mukhang nagsibak na si Tiyo kahapon.

Gamit ang mahabang tubo ay hinipan ko ang apoy na nasa papel para mas mapadalit iyon. Gumamit din ako ng gas para hindi na ako mahirapan. Nagkandaubo-ubo at nagkandaluha muna ako dahil sa usok bago ko pa maisalang ang sinaing.

"Teng? Anong hitsura yan?" Napalingon ako kay Axel nung narinig ko ang boses niya. Inirapan ko lang siya at saka dinagdagan ng kahoy ang tungko para mas mabilis maluto ang sinaing.

"Dalaga ka na, hindi ka pa rin marunong magsuklay" pang-aasar pa niya habang tinatawanan ako kaya binato ko siya ng maliit na kahoy na agad naman niyang nailagan. Alam ko namang mukha akong bruha ngayon dahil hindi pa nga nakakapagsuklay man lang.

Noong nakaramdam na siguro siyang naiinis na ako ay saka pa siya nagseryoso at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Teka .. bakit naglakad ka na? Okay na ba yang paa mo?" Umiling lang ako kaya narinig ko namang bumuntong hininga siya. Ilang sandali pa ay naramdaman kong binuhat niya ako at inupo sa kahoy na upuan na naroon din sa lutuan namin.

"Ako na ang magluluto" sabi lang niya at saka binalingan ang ginagawa ko kanina. Nagkibit balikat lang naman ako at pinabayaan na siya. Masakit kasi talaga ang ulo ko.

"Lagyan mo ng asin yung ibabaw ng kaldero para hindi mahilaw" sabi ko pa sa kanya.

"Anong scientific basis nun?" Takang tanong niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Anong scientific basis na nalalaman mo diyan?! Nanghuhula ka lang naman sa Science" inismiran lang niya ako bago pumasok sa bahay namin at kumuha ng asin.

"Bakit si Lola P, hindi naglalagay ng asin sa sinaing namin?" Kakamot kamot sa ulong tanong niya kaya natawa ako.

"Baliw! Paano sa rice cooker kayo nagsasaing!" Kung malapit lang siya sa akin ay nabatukan ko na siya.

"Anong kaibahan nun? Sinaing din naman"

"Sige itanong mo kay Mam Dolly yan bukas" suggestion ko kaya napangiwi siya.

"Athena!" Halos mapatalon ako nung biglang nagsisigaw si Trina mula sa loob ng bahay kaya kahit masakit pa ang paa ko ay tinakbo ko siya.

"Bakit, Trina? Anong problema?"

"Kailan mo balak maglaba ng uniform?" Napakamot na lang ako sa ulo ko nung bigla nyang tinambak sa akin ang halos lahat ng mga damit niya. Ang usapan ay uniform lang pero laging ako ang ginagawa niyang taga laba ng mga damit niya.

When the Goddess Casts Her SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon