Chapter 12

53 5 0
                                    

Athena Katherine's

"Whew!"

Napapitlag ako at napaiwas ng tingin kay Miguel noong biglang nagreact si Andrea. Nagkandaubo-ubo pa siya dahil ata sa pagkasamid habang parang diring-diring na nakatingin kay Miguel na ngayon ay nasa akin lang ang atensyon.

"Pakiulit nga ng sinabi mo? Baka nabibingi lang ako" Pangungulit pa ni Andrea habang kinukulbit ang lalaki.

Natauhan naman si Miguel at saka nagbawi ng tingin sa akin. Kahit wala na sa akin ang atensyon niya ay nararamdaman ko pa rin ang pang-iinit ng pisngi ko kaya agad ko nang inayos ang gamit ko at tumayo.

"Athena, Sandali!" Tili ni Andrea habang nagmamadaling kinukuha ang mga gamit niya. Hinampas pa niya si Miguel sa balikat kaya napangiwi yung isa.

Patakbong sumunod sa akin si Andrea  pero hindi na siya nagsalita at nakatingin lang sa akin .. na parang pinag-aaralan ang reaksyon ko. Nanatili lang namang seryoso ang mukha ko pero sigurado akong namumula pa rin ako dahil sa sobrang init ng pisngi ko. Maging ang dibdib ko ay hindi mapigil sa pagkabog sa di malamang dahilan.

Bakit ganito? Wala pa ngang isang linggong kilala ko si Miguel e.

Pagbalik namin sa room namin ay saktong naroon na ang susunod na prof. Nagpakopya lang naman siya ng syllabus sa amin at nagrecitation ng kaunti kahit na first day pa lang.

"Uuwi ka na ba, Athena?" Tanong sa akin ni Andrea habang inaayos namin ang mga gamit namin.

"Hindi pa siguro. Gusto ko kasing maghanap ng pwedeng part time job. Sayang yung oras. Maaga pa pala ang labas natin" Hanggang 2:30 lang kasi ang klase namin. Kaysa humilata lang ako sa bahay nina Axel at pagselosan ni Eunice ay magtatrabaho na lang ako.

"Oh? Sayang .. kakahire lang kahapon nung coffee shop na pinagtatrabahuhan ko e. Working student din kasi ako"

"Ganun ba? Wala ka na bang ibang alam na pwedeng pasukan?"

"Naku, wala e. Pero pag may nahanap ako .. babalitaan kita"

Agad akong napangiti sa sinabi niya. "Salamat, Andrea"

"Sus .. maliit na bagay" nagtawanan lang kami at saka sabay na lumabas ng classroom. Nakakapanibago na mayroon akong ibang nakakausap ngayon. Noong high school kasi ako ay nagsasalita lang ako pag may recitation. Most of the time ay tahimik lang ako at nasa isang sulok.

"Aba nga naman. Ang layo ng building nyo pero napadpad ka dito .. ano bang atin?" Napalingon ako kay Andrea noong nagsalita siya. Nakita kong nasa harapan niya na ngayon si Miguel na nakatingin sa akin. Napakunot naman ang noo niya noong nagpatuloy si Andrea sa pang-aasar sa kanya.

"Tsk. Tigilan mo nga ako, Andeng. Nasa labas daw si Lynard .. sinusundo ka"

"Owws? Talaga? Sige dito ako sa may likod dadaan. Wag mong sasabihin ha! Kundi ipapasalvage kita!" Pinanlakihan pa niya ng mata si Miguel na natawa na lang at sumaludo pa sa kanya..

Inismiran lang naman siya ni Andrea bago ito bumaling sa akin at ngumiti. "Sige na, Athena .. uuna na ako. Baka malate pa ako sa trabaho e. Ingat ka" saglit na natigilan ako noong lumapit siya sa akin at bumeso bago tuluyang umalis.

Nakatingin lang ako sa papalayong bulto ng babae .. First time may nagpakita sa akin ng ganoong gesture. Si Nanay nga lang ang natatandaan kong gumagawa sa akin nun e.

"Hi, Athena" natauhan ako noong naamoy at narinig ko si Miguel. Nakalapit na pala siya sa akin. "Uuwi ka na ba? Hatid na kita"

"Ahm .. wala ka na bang klase?" Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.

When the Goddess Casts Her SpellWhere stories live. Discover now