Chapter 23

67 5 0
                                    

Athena Katherine's

Nagising akong may nakahawak sa isang kamay ko at panaka-nakang humahalik dun. Pagmulat ko ng mga mata ko ay nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Miguel at nung nakita niyang gising na ako ay agad siyang lumapit para haplusin ang pisngi ko.

"Babe, are you okay? Anong masakit sayo?"

Umiwas ako ng tingin sa kanya at pinilit ang sariling bumangon. Noon ko lang narealized na nasa klinika kami ng aming paaralan.

Pinilit kong agawin ang kamay ko kay Miguel at dali-daling bumaba sa kama. Nakita ko ang bag ko sa kabilang gilid kaya basta ko lang kinuha yun at lumabas na ng klinika nang hindi man lang nililingon si Miguel.

"Babe!" Mariing ipinikit ko ang mga mata ko at mas binilisan ang paglalakad. Malidim na ang paligid at kakaunti na lang ang mga estudyanteng abala para sa gaganaping foundation day.

"Babe!" Ang lakad ko ay naging takbo hanggang sa makalabas ako ng gate ng aming school. Saktong nakita ko si Trev na pasakay ng motor niya kaya walang pag-aalinlangang sumampa ako sa likod niya bago pa siya makaandar. "What the?" Gulat na sabi niya nung nakita niya ang mukha ko sa side mirror.

"Magdrive ka na lang!" Singhal ko sa kanya kaya nagkibit balikat naman siya at pinasibad ang motorsiklo.

"Athena!" Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko nung narinig ko pa ang malakas na sigaw ni Miguel bago kami tuluyang makalayo ni Trev.




"Bakit ka huminto?!" Inis na tanong ko kay Trev pero bumaba lang siya ng motor at nakahalukipkip na hinarap ako. Hindi ko makita ang mukha niya dahil sa helmet na suot pero sure akong nagsusuplado na naman siya.

"Malayo na tayo at siguradong hindi na niya tayo masusundan dito dahil bibihira ang gumagamit ng way na to. Now, sasabihin mo ba sa akin kung ano ang nangyayari o iiwan kita dito mag-isa?" Inirapan ko lang siya pero nanatiling tikom ang bibig ko. Hindi rin ako bumaba sa motor niya dahil baka iwan nga niya ako. Nakakatakot pa naman ang paligid dahil sa mga matataas na talahib.

Bumuntong hininga si Trev at tinanggal ang helmet niya. "Athena, ayokong sumabit dito. Baka mamaya pagbintangan pa ako ng boyfriend mo na kidnapper, tapos ipabugbog pa ako"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi ganun si Miguel. Hindi niya magagawa yun"

"So bakit mo nga siya tinatakbuhan?" Ngumuso lang ako at yumuko. Pinaglaruan ko na lang ang laylayan ng damit ko gaya ng lagi kong ginagawa pag hindi ko alam ang sasabihin ko. Narinig kong bumuntong hininga na naman siya at saka binuksan yung parang box na nasa motor niya. Inabot niya sa akin ang isang helmet.

"Isuot mo. Baka maticketan pa ako. Walang gumagamit niyan kaya sure akong di mabaho yan" tumango na lang ako at tahimik na sinuot ang helmet. Napapalatak pa siya nung nakitang hindi ko alam kung paano isusuot yun.

Malay ko ba. Walang ganun sa bundok.

Tinulungan ako ni Trev sa pagsusuot ng helmet bago siya sumakay muli ng motor. Humawak ako sa balikat niya dahil muli na naman niyang pinaharurot ang motorsiklo papunta sa hindi ko alam kung saan.

Okay na rin yun. Kailangan ko munang lumayo. Ayokong makita si Miguel. Ayokong masira ang reputasyon nila ng mommy niya dahil sa akin.

Nakarating kami ni Trev sa isang parang bar. Maraming tao ang nagkalat sa paligid. Inalalayan niya akong bumaba at siya na rin ang naghubad ng helmet ko. "May gig ako ngayon kaya hindi kita masasamahan kung saan mo gustong pumunta. Kung gusto ko namang umuwi, itatawag kita ng taxi"

"Pwede ba akong sumama sa loob?"

Tinaasan niya ako ng kilay at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Binatukan ko pa siya nung nagtagal ang tingin niya sa dibdib ko. "Aray! Tsk .. oo na pwede ka na sa loob. Di ka naman mukhang minor. Basta walang alak, Athena 'ha" bilin pa niya kaya tumango-tango na lang ako.

When the Goddess Casts Her SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon