Chapter 27

56 5 0
                                    

Athena Katherine's

Katahimikan.

Katahimikan lang ang namamayani sa pagitan namin hanggang sa makauwi kami ng bahay niya.

Kasalukuyan akong narito sa living room at siya ay nasa kusina dahil nagluluto. Ngayon lang ako nakapunta sa bahay na 'to na hindi ako komportable.

Alam kong may kasalanan ako dahil parang isinara ko yung sarili ko sa kanya .. pero para sa kanya rin naman yung ginawa ko. Ayokong madamay sila ng mommy niya dahil sa akin. Ngayon pang nalalapit na naman ang election at bali-balitang tatakbo ng pagka-gobernador si Tita Venus. Hindi ako makakatulong sa kanya .. bagkus ay kahihiyan lang ang dala ko.

Pabagsak na humiga ako sa sofa at kinuha ang phone ko. Hindi pa ako nakakapagbukas ng social media simula nung araw na yun dahil umiiwas talaga ako sa kahit na sino. Ayokong makabasa ng kahit na anong makakasakit na naman sa akin dahil mahina talaga ako pagdating sa mga ganung bagay. Sana lang talaga, kung may post man tungkol sa akin ay hindi na maka-abot pa kay Nanay. Ayokong isipin niya na naaagrabyado ako dito.

Balita ko rin ay nasuspend ang mismong pageant dahil sa nangyari at na-expelled din si Charm sa school. May part na naaawa ako sa kanya dahil naiintindihan ko rin naman siya. Alam kong nasasaktan siya dahil sa nangyari lalo pa't nakakulong daw ngayon si Mr. Chan. Anak siya at walang sinumang anak ang nanaising danasin yun ng magulang niya.

Nagtry akong magbukas ng social media ko. Halos mag-lag ang phone ko dahil sunod sunod ang mga chat na dumating at ang dami ko ring notifs.

Nangilid ang luha ko nung nabuksan ko ang mga messages. Ang daming chat galing sa mga kaibigan ko at higit sa lahat ay galing kay Miguel. Hindi nga siya nagtetext sa akin pero halos araw-araw ay nagchachat siya kahit hindi ako nagsiseen. Puro updates yun ng mga pinaggagagawa niya habang hindi kami magkasama.

Wala naman akong nakitang negative na post tungkol sa akin. Lahat ng naka-tag sa akin ay mga words of encouragement mula sa mga kaibigan ko, kaklase, ka-department at kahit mga hindi ko kakilala.

May pinost pa nga si Kuya Lloyd na picture namin together at may caption pa siyang 'Pinakamagandang Dyosa sa Earth .. syempre next to me! Stay strong bb girl. We gotchu!' Hindi ko tuloy alam kung matatawa ako o matatouch .. mukhang napagdesisyunan na niyang ilabas ang tunay na siya dahil ang picture na pinili talaga niyang iupload ay nung sinukat niya ang costume ko at may bulaklak pa siya sa kaliwang tainga. Marami tuloy ang nagulat .. well, sadya namang nakakagulat dahil wala sa hitsura niya.

Muli akong napaluha nung nakita ko ang post ni Miguel. Stolen shot ko yun .. kuha mula sa second floor ng building namin habang nasa may corridor ako at nakatingala sa langit. May caption na: 'Day 20 .. I miss you so much'

Hindi ko na itinuloy ang pagsscroll. Agad akong bumangon at pinahid ang luha ko. Huminga ako ng malalim at tumayo para puntahan siya sa kusina. Pagdating doon ay nakita ko siyang busy sa pagluluto. Nalukot ang ilong ko nung naamoy ko ang mabahong amoy ng sigarilyo.

Hindi ko alam kung paano siya iaapproach kaya pumunta na lang ako sa may cabinet niya at kumuha ng mga plato. Tipid akong napangiti nung nakitang organisado na ang mga gamit niya. Naramdaman ko ang mga tingin niya sa akin kaya bahagya akong lumingon sa kanya at ngumiti. Napanguso na lang ako nung umiwas siya ng tingin at nagpatuloy sa paghahalo ng kung ano sa kaldero.

Naghain na lang ako at naupo sa hapag habang hinihintay siya. Nung sa wakas ay natapos na rin siya ay inilapag na niya ang ulam sa lamesa at naupo sa harapan ko. Inunahan ko na siya sa paglalagay ng kanin at ulam sa plato niya. Nakataas lang ang kilay niya habang ginagawa ko yun pero hindi siya nagsasalita. Nagkibit balikat na lang ako at nagsandok ng sarili kong pagkain at nagsimulang kumain. Miss na miss ko na yung luto niya.

When the Goddess Casts Her SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon