Chapter 1

107 5 0
                                    

Athena Katherine's

"Athena, can you please give this to Sir Fritz? He is in the faculty room" nabitawan ko ang lapis na hawak nung biglang tawagin ni Mam Dolly ang pangalan ko.

Nangingilid ang luhang tumingin ako sa mga mata ni Axel na siyang katabi ko. Kinuyom ang mga kamay nya at siya na ang tumayo. "Ma'am, masakit daw po yung tiyan ni Teng. Ako na lang po ang magbibigay niyan kay Sir Fritz" magalang na sabi nya sa adviser namin.

"Is that true, Athena?" Baling sa akin ng matandang babae. Kiming tumango ako at humawak pa talaga sa tiyan ko para kapani-paniwala ang sinabi ni Axel. Tinaasan lang niya ako ng kilay at parang hindi naniniwala kaya pabalyang tumayo si Axel sa upuan niya at lumapit sa kinaroroonan ni Mam.

Napabuntong hininga na lang si Mam Dolly nang basta na lang hinablot ni Axel ang pinapaabot niyang box kay Sir Fritz at bigla itong nagtatakbo palabas ng classroom namin.

"Napaka walang modo talaga ng batang yun" naiiling na sabi niya bago ipinagpatuloy ang pagtuturo. Naguilty ako dahil napahamak na naman si Axel dahil sa akin.






"Teng! Sandali!" Hingal na hingal si Axel dahil sa paghabol niya sa akin. Basta na lang kasi ako lumabas ng classroom namin nung nadismiss ang klase. Napatigil ako sa paglalakad nung bigla na lang niyang hinablot ang braso ko. "Andaya mo naman Teteng! Bakit ka nang-iiwan?" Nakangusong sabi niya.

Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko at hindi na nagsalita. Nagsimula na muli kaming maglakad pauwi sa lugar namin habang nakahawak siya sa strap ng bag ko. Ganito kami lagi simula pa noong nag-aral kami.

Magkapitbahay kami ni Axel. Isang buwan lang ang tanda niya sa akin kaya kambal ang tawag sa amin ng iba pa naming mga kapitbahay. Hindi kami mapaghiwalay kahit sa school.

"Galit ka ba sa akin, Teng?"

Nakatungo ako habang naglalakad. Hindi naman ako natatakot na mabangga kung saan dahil alam kong hindi niya ako pababayaan. "Hindi" maikling sabi ko.

"Bakit tahimik ka? May nang-away na naman ba sayo? Hinawakan ka na naman ba nung mga gago nating teacher?" Inis na tanong niya.

"Wag ka ngang magsalita ng ganyan. Kaya lagi ka na lang pinag-iinitan ng mga teachers natin e"

Umingos lang siya at hinawakan ang kamay ko para makababa kami sa kawayang hagdan. Nasa may ilog na kami. Kailangan pa naming sumakay ng bangka at maglakad ng halos labinlimang minuto para makarating sa mismong bahay namin.

"Pakialam ko sa kanila. Ang mga ganoong manyakis ay hindi dapat nirerespeto" inis na inis pa rin siya.

Pumasok kami sa isang kubo at naupo doon. Doon kami maghihintay ng iba pa naming kasabay sa bangka. Pwede namang hindi na magbangka at tumawid na lang sa tulay pero mas delikado yun dahil mahuna na ang tulay.

Noong kinder kami hanggang grade 4 ay hatid sundo kami ni Nanay o kaya ng lola ni Axel pero ngayong grade 5 na kami ay kaya na naming umuwi mag-isa. Saka isa pa, kailangan na naming masanay dahil pag nag-high school kami ay dagat na ang tatawirin namin.

"Kanina, nagalit na naman sayo si Ma'am Dolly" nakayukong sabi ko habang yakap yakap ang bag ko. Tinatakpan ko kasi ang dibdib ko. Hindi normal ang laki noon para sa edad ko kaya talagang laging nakakatawag pansin.

"Psh. Pakialam ko. Kaysa naman makita ka na naman ng manyakis na Fritz na yun"

Isa sa mga dahilan kung bakit hindi ako maiwan-iwan ni Axel ay dahil siya lagi ang taga protekta sa akin. Sa katunayan ay kayang kaya niyang pumasok sa pribadong paaralan sa bayan para hindi na sya nahihirapan ng ganito araw-araw pero hindi niya ginagawa. Natatakot daw kasi siyang mapahamak ako. Lalo na nung nalaman niyang hinawakan ako ni Sir Fritz ng hindi kaaya-aya noong nakaraang buwan.

When the Goddess Casts Her SpellWhere stories live. Discover now