Chapter 20

69 5 0
                                    

Athena Katherine's

"May problema ba? Bakit parang bigla kang natahimik?"

Takang tanong ko kay Miguel habang palabas kami ng school. Marami pang mga estudyante kahit gabi na dahil sa mga booth na hinanda ng department namin. Dahil nga may klase ang ibang courses kaninang umaga ay ngayon lang sila nakakapaglibot libot. Nagmistulang night market tuloy ang school namin.

"Wala" matipid na sabi niya kaya napanguso na lang ako at humawak sa kamay niyang nakaakbay sa akin. Baka wala lang talaga siya sa mood.

"Mars! Uwi ka na?!" Tanong sa akin ni Andrea nung nadaanan namin ng pwesto ng section namin. Hindi na kasi nila ako pinapatulong sa pagtitinda dahil masyado na raw malaki ang ambag ko sa section namin. Sana lang talaga hindi ko sila mabigo.

"Oo e .. kailangan niyo ba ng tulong?"

"Naku hindi na. Magbeauty rest ka na lang sa inyo .. good luck sa Saturday!" Nakangiting sabi ng Chairman namin kaya nginitian ko lang siya.

"Sige po .. ingat po kayo pauwi. Bukas po baka makatulong ako sa inyo dahil wala daw kaming practice" nakangiting sabi ko sa kanila habang kumakaway kaway. Saglit na lumayo lang ako kay Miguel para makabeso kay Andrea.

"Mars .. may himagsikan ba kayo? Bakit mukha atang sasabak sa gera si Juan?" Bulong pa niya sa akin.

"Baka wala lang sa mood"

"Sus .. parang alam ko na kung bakit" may paghagikhik pa siya kaya napailing na lang ako.

Matapos naming magpaalaman ay muli akong lumapit kay Miguel na awtomatikong umakbay sa akin.

Kahit na nasa may sakayan na kami ay hindi pa rin siya nagsasalita na nakakapagtaka. Usually kasi ay dinadaldal niya ako o di kaya ay pinagkukwento ng kung ano-ano.

Tiningala ko siya para makita ang mukha niya. Seryoso lang siyang nakatingin sa kalsada dahil wala pang humihintong jeep sa harapan namin. Rush hour na din kasi kaya pahirapan na naman ang pagsakay.

"Miguel" tawag ko sa atensyon niya. Bumuntong hininga naman siya at humarap sa akin .. pilit pa siyang ngumiti kaya muli akong napanguso.

"Gutom na ako" nasabi ko na lang. Ayoko pa kasing umuwi hangga't hindi ko nalalaman kung ano ang problema o kung ano ang iniisip niya.

Napatitig siya sa mukha ko at pagkuwa'y nangingiting umiling-iling. "Anong gustong kainin ng baby ko?" Agad na gumuhit ang ngiti sa mga labi ko nung muli kong narinig ang malambing niyang boses.

"May lomi pa ba ng ganitong oras?" Namimiss ko na rin yung lomi e.. Ang tagal na mula nung last naming kumain nun.

Natawa siya at saka pinisil ang ilong ko. "Oo naman"

Tumawag na lang siya ng tricycle at saka kami nagpahatid sa bayan. Habang nasa byahe ay tumawag pa siya kay Kuya Axel para ipagpaalam ako. Masyadong kina-career ni Axel ang pagiging guardian ko e.

Pagdating namin doon sa kinainan namin noon ay marami pa ring tao. Sadya naman kasing masarap ang lomi nila dito kaya di na nakakapagtaka yun.

Habang naghihintay kami ng order ay inutusan ko siyang sa tabi ko muna umupo. Paglapit niya ay agad kong hinawakan ang kamay niya at sumandal sa balikat niya.

"So .. anong problema?"

Natawa siya at saka nilingon ako. "Wag mong sasabihing wala dahil masasapak talaga kita, Juan Miguel!" banta ko sa kanya pero sa halip na masindak ay tinawanan lang ulit ako at pinisil ang pisngi ko.

"Bakit mo naman nasabing may problema ako?" Balik na tanong nya.

"E' kasi hindi ka madaldal ngayon. Ewan .. may something akong naramdaman dahil biglang nagbago ang mood mo"

When the Goddess Casts Her SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon