Chapter 2

66 5 0
                                    

Warning: Abuse/Harassment

Athena Katherine's

"Ma'am Dolly, may I excuse Athena for a while?" Napatingin kaming lahat sa pinto noong kumatok doon si Ma'am Faith -- isa sa mga head teachers ng school namin.

"Athena" tinawag ako ni Ma'am Dolly kaya atubiling tumayo ako sa upuan ko at lumabas ng classroom para lumapit kay Ma'am Faith.

"Sama ka muna sa akin sa office" nakangiting sabi niya noong nakita ako kaya kahit naguguluhan ay sumunod ako sa kanya.

Pagdating namin sa office ay agad na nanlambot ang tuhod ko noong nakita ko rin doon si Sir Fritz kasama ng principal naming si Ma'am Brenda.

"Have a seat, Miss Alvarez" nakangiting sabi ng principal noong nakita ako at inimuwestra ang upuang nasa tapat ng table niya. Nakayuko lang ako habang pinaglalaruan ang mga daliri ko sa kamay na namamawis na sa kaba.

"How are you, Miss Alvarez?" Napilitan akong mag-angat ng tingin noong tinanong ako ng principal.

Tipid na ngumiti ako bago siya sagutin. "I-im okay po"

Ngumiti ulit siya at lumapit sa akin. Medyo mabait naman ang awra ni Ma'am kaya kahit papaano ay napapanatag ako.

"Athena, ikaw kasi ang napili naming magrepresent ng school para sa Bb. Kalikasan" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Yung pageant na yun kasi ay sinasalihan ng iba't-ibang school dito sa aming lugar at sa malaking bulwagan talaga ginaganap.

"Po? Bakit po ako?"

"Bakit hindi ikaw?" Balik na tanong niya habang nakangiti.

"Wag kang mag-alala, kami na ang bahala sa mga gagamitin at isusuot mo. Sina Sir Fritz ang nagvolunteer na gumawa ng costume mo" sabat pa ni Ma'am Faith kaya napatingin ako sa gawi ni Sir. Seryoso ang mga mukha nila kaya napaiwas ako ng tingin.

"M-magpapaalam po muna ako kay Nanay"

"Alright! Bukas, balitaan mo kami ha. You may now go back to your classroom" tipid na nginitian ko lang sila at lumabas na ako ng office. Tatakbo sana ako pabalik ng classroom nung biglang may humawak sa kamay ko. Kinakabahang  nilingon ko kung sino yun at napabuga na lang ako ng hangin noong nakita kong si Axel lang pala.

"Bakit ka nanggugulat?!" Halos pabulong na asik ko dahil may mga klase pa.

"Sorry na. Nag-alala lang ako sayo. Okay ka lang?"

"Okay lang. Bakit ka nandito? Papagalitan ka na naman ni Mam Dolly"

"Nag CR lang ako"

"Hitsura mo! Doon sa kabila ang CR ng intermediate level!" Tatawa-tawang kumamot siya sa ulo niya kaya napabuntong hininga na lang ako. Sabay na kaming bumalik sa room at as usual, napagalitan na naman siya dahil sa akin.






Kinagabihan habang nasa hapag-kainan kami ay sinabi ko kay Nanay ang tungkol sa pageant at tuwang-tuwa naman siyang pinayagan ako. Sinabi pa niyang patatahian daw niya ako ng gown sa kakilala niyang mananahi sa bayan.

Pagkatapos kumain ay naghugas ako ng pinagkainan namin. Ako lang naman ang inaasahan sa ganoon dahil hindi mautusan si Trina. Si Nanay naman ay nagluluto ng suman sa labas para sa paninda niya bukas.

"Psh. Akala mo maganda" narinig kong bulong ni Trina sa likod ko pero nanahimik na lang ako at hindi na sumagot sa kanya. Mas ahead siya sa akin kaya nasa grade 6 na siya.

"Malandi lang naman kasi kaya napili ng mga teachers" naikuyom ko na lang ang mga kamay ko pero pinigilan ko pa ring sumagot sa kanya. Bahay pa rin nila to.

When the Goddess Casts Her SpellHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin