Chapter 33

72 5 0
                                    

Juan Miguel's

"Migo, where are you? Malapit nang magstart ang awarding"

"Coming, Mom" napabuntong hininga na lang ako at ibinaba ang phone. Ang boring naman kasi ng mga pageant na yan kaya tinatamad akong manood. Lagi na lang kasi akong isinasama ni Mommy pag kinukuha siyang judge. Hindi naman ako makatanggi dahil nangako ako kay Daddy noon na lagi kong sasamahan at aalagaan ang mommy ko.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa dalampasigan at pinagpagan ang pantalon ko. Napakunot ang noo ko nung may nakita akong palutang lutang na maliit na bote sa dagat. Tsk .. paano nagagawa ng mga taong tapunan ng basura ang karagatan? Kaya nasasayang ang ganda nito e.

Pinulot ko ang maliit na bote at nagsalubong ang kilay ko nung nakitang cologne pala yun. Kakaunti pa lang ang bawas .. bakit kaya tinapon to?

Binuksan ko yun at agad akong napangiti dahil ang bango nun. Alam kong hindi ito mamahalin gaya ng mga pabango ni Mommy pero parang mas gusto ko 'tong amuyin dahil hindi nakakahilo.

Naiiling na ibinulsa ko yun at nagsimula na muli sa paglalakad pabalik sa covered court kung saan naroon si Mommy. Muli akong napahinto nung may napansin naman akong kumikinang na bagay. Yumuko ako at dinampot yun .. kwintas?

Athena? .. basa ko dun sa nakacursive na mga letters .. baka pangalan ng may-ari.

Psh. Halata namang di mamahalin. Di ko pa mabibili yung gusto kong rubber shoes pag sinanla ko to e.

Muli akong napailing at ibinulsa ang kwintas. Nagtatakbo na ako papunta sa kotse namin para kunin ang bulaklak na binili namin kanina. Reward daw 'to ni Mommy para doon sa mananalo.

"Bakit walang amoy? Ang tipid naman nung flower shop na yun. Tsk" komento ko pagkahawak dun sa bouquet. Maganda na sana e. Kinulang lang sa pabango.

Naiiling na kinuha ko ang pabango ko sa bag at inisprayan ang mga bulaklak. Ako na lang ang mag-aadjust. Nung medyo okay na ay saka ko lang yun binuhat at dinala sa loob. Ano bang meron sa mga babae at mga bulaklak? As if naman nakakain to?

Agad kong nakita si Mommy na tutok na tutok sa isang folder na hawak niya. Noong nag-angat siya ng tingin at bahagya niya akong nginitian at sinenyasan na lumapit. Inabot niya sa akin ang mga folder at pinacompute sa akin ang mga scores ng candidates. Doon lang ako sumaya at nabuhayan ng loob. I love numbers .. ganun kasi si Daddy dati e. Kaya nga idol na idol ko siya.

Matapos kong magcompute ay inabot ko muli kay Mommy ang mga folders. Chineck niya ang ginawa ko at tumango-tango. Ginulo pa niya ang buhok ko at pinisil ang pisngi ko kaya napasimangot ako. I'm not a baby anymore.

"Migo, give the flowers to that beautiful girl" utos sa akin ni Mommy habang tinuturo ang isang batang umiiyak sa stage. Siya ata ang nanalo.

"Bakit po ako?!" Reklamo ko kaya pinanlakihan niya ako ng mata. Hindi naman ako ang nagbigay dun sa iba .. tapos pag yung winner, ako ang uutusan? Ano siya special?

Nakasimangot na tumayo ako at kinuha ang bouquet na binili namin kanina. Kakaiba 'to dun sa ibang bouquet na natanggap ng ibang nanalo dahil mumurahin lang naman ang mga yun. Sa tuwing nagjajudge kasi si Mommy sa mga pageant ay may special treat siya para sa mananalo. Mahal ang bili dito ni Mommy .. ako kasi ang pinapili niya kanina sa flower shop tapos ito ang una kong nakita kaya ito ang itinuro ko. Hindi naman siya nagreklamo kaya pinabayaan ko na lang.

"Smile, Migo. Hindi ko bibilhin ang gustong-gusto mong shoes pag sumimangot ka pa" Bulong sa akin ni Mommy habang pasimpleng kinukurot ang braso ko .. pero ang ekspresyon ng mukha niya ay malambot at nakangiti.

When the Goddess Casts Her SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon