Chapter 38

67 5 0
                                    

Athena Katherine's

"K-kailan ka pa dumating?" Ang lakas ng pintig ng puso ko habang nakatitig sa mga mata niya. Wala na akong mabasang kahit na anong pag-aalinlangan, takot at galit doon. Pagmamahal at pagkasabik na lamang ang tanging emosyong naroon.

"Ngayon lang. Dito agad ako dumeretso. I missed you so much" hinapit niya ako at ibinaon ang mukha sa leeg ko. Nakita ko naman si Max na sumesenyas na aalis na siya kaya tumango na lang ako habang hinahaplos haplos ang buhok ni Miguel.

"Bakit di mo sinabing dadating ka? Buti alam mo yung exact location ko"

"Galing pa akong Canada .. nagpaalam muna ako sa kapatid mo, bago ako dumeretso sa'yo" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Pilit kong sinapo ang mukha niya para muling matingnan siya.

"Anong ginawa sa'yo ni David?"

Tumaas ang sulok ng labi niya at ngayon ko lang napansin ang pasa niya sa may bandang pisngi at gilid ng labi. "Nag-usap lang kami"

"Nag-usap?! Bakit may bangas ka?!Sasapakin ko talaga yung lalaking yun!"

Natawa siya at muling hinapit ako. Mabilis na hinalikan niya ako sa pisngi kaya agad na natunaw ang inis ko. "Nakuha ko na yung blessing nya. Yun ang mahalaga"

"Kahit na! Siya ang papatalunin ko sa helicopter na ang babagsakan ay bubog"

Natawa lang si Miguel at naupo sa couch. Nanlaki pa ang mata ko nung basta na lang niya ako hinila paupo sa kandungan niya. Awtomatikong napahawak ako sa tiyan ko at pinakiramdaman ang sarili ko.

"Bakit?" Takang tanong niya.

"Chineck mo na ba yung phone mo?"

Kunot noong umiling siya at dinukot ang phone sa bulsa. Iniabot niya sa'kin yun pero naka-off naman. "Halos dalawang araw akong bumyahe .. hindi ko na na-check. Bakit? May problema ba?"

Nakangiting in-on ko ang phone niya pero napanguso na lang ako nung nakitang lobat yun. Naiinis na ibinalik ko yun sa kanya at tumayo sa kandungan niya. "Where are you going?" Takang tanong niya pero hindi ko na siya pinansin at nagtungo na lang ako sa kwarto ko.

Agad kong hinagilap ang phone ko at bumalik sa sala. Nagtatakang nakatingin pa rin siya sakin kaya inabot ko sa kanya ang phone ko. "Maglog-in ka sa kahit anong social media account mo" lahat kasi ng accounts niya ay sinendan ko ng picture.

"Why? May issue na naman ba?"

"Basta!" Sigaw ko habang nanlilisik pa ang mata kaya napalunok naman siya at ibinaling ang atensyon sa cellphone ko. Muli akong naupo sa kandungan niya kaya awtomatikong pumulupot ang isang braso niya sa bewang ko. Nangingiting ibinaon ko ang mukha ko sa leeg niya habang hinihintay ko ang reaksyon niya.

Naririnig ko na ang dating ng mga messages kaya mas yumakap ako sa kanya. Napataas na lang ang kilay ko dahil parang masyado naman atang madami ang nagchachat sa kanya.

Nag-angat ako ng mukha at sinamaan siya ng tingin. "Bakit ang daming chat sa'yo? Mga babae mo ba yan?!"

Natawa siya mabilis akong kinintalan ng halik sa labi. "Sa GC namin yun nina Hans. Saka masyadong malakas ang gayuma mo sa'kin kaya hindi ko kayang mambabae"

"Hindi nga kita ginayuma!" Natawa lang siya at binitawan muna pansamantala ang phone para sapuhin ang mukha ko. Napapikit na lang ako kung naramdaman ko ang pagsakop ng labi niya sa labi ko.

Marubdob, mainit, mapusok. Ramdam ang kanyang pagkasabik sa bawat haplos.

Kahit nahihirapan ay pinilit ko munang lumayo dahil parang nauubusan na ako ng hininga. Nakangiting ipinatong ko ang noo ko sa noo niya at hinaplos ang pisngi niya. "Mamaya mo na ako landiin. Tingnan mo muna yung sinend ko sayo"

When the Goddess Casts Her SpellWhere stories live. Discover now