Chapter 8

49 5 0
                                    

Athena Katherine's

"Totoo ba yun? Kaya pala siya nangunguna sa honor roll"

"Tsk. Ang amo ng mukha pero may kalandian palang tinatago"

"Pustahan tayo .. yan ang unang mabubuntis sa batch natin"

Napakunot ang noo ko dahil sa mga naririnig kong bulong-bulungan ng mga kaklase ko. Ibinaba ko ang librong binabasa ko at tumingin sa kanila. Agad naman silang umiwas ng tingin at iniba ang topic na pinag-uusapan.

Nagkibit balikat na lang ako at tinuloy ang pagbabasa. Wala naman ibang gustong kumausap sa akin dito sa hindi ko malamang dahilan. Wala naman akong ginagawang masama pero iba lagi ang tingin nila sa akin. Siguro nga, may mga tao talagang ayaw sayo. Hindi mo mapi-please ang lahat ng tao.

Noong dumating ang Math teacher namin ay itinigil ko na ang pagbabasa ko. Medyo nakakatakot lang yung teacher namin dahil talagang namimingot siya pag mali yung sagot mo sa pisara. Math pa naman ang kahinaan ko kaya talagang nakikinig ako.

Nakayuko lang ako habang sinusubukang magsolve sa scratch paper ko. Nakita kong hawak na ni Sir ang index cards namin kaya kabado na ako.

"Alvarez" nakagat ko na lang ang ibabang labi ko noong tawagin ako ni Sir. Habang dala-dala ang Math notebook ko na wala namang computation ay nagpunta ako sa board.

Tinitigan ko lang ang equation na naroon. Halos mamawis na ang buong katawan ko nung nakita kong tapos nang magsolve ang iba ko pang mga kaklase. Ako na lang ang naiwan mag-isa sa harap ng pisara.

"Is there any problem, Athena?" Narinig kong tanong ni Sir kaya yumuko na lang ako at binitawan na ang chalk.

"I don't know the answer, Sir. Sorry po" nahihiyang sabi ko at narinig ko naman ang pagtawa ng mga kaklase ko sa pangunguna ni Rosemarie.

Lumapit sa akin si Sir kaya napapikit ako. Akala ko ay pipingutin niya ako pero kumuha lang siya ng chalk at saka ako inakbayan para paharapin ulit sa pirasa.

"After writing in standard form, you need to multiply it by -1" mahinanon lang siyang nagsasalita habang ipinapakita sa akin kung paano isolve ang given equation. Tumango-tango na lang ako habang pilit na tinatandaan ang mga sinasabi niya.

"Can you give me now the factors?"

"Ahm .. 5 and 2 po?" Alanganing tanong ko. Ngumiti naman si Sir at inilagay sa loob ng parenthesis ang numerong sinabi ko. "Write the zero-factor theorem then simplify. Now, what are the roots?"

"5 and -2 po, Sir" tumawa naman si Sir at ginulo ang buhok ko. Nagbigay pa siya ng panibagong example at saka muling pinasagutan sa akin. Fortunately ay nasagutan ko naman yun kaya ngiting-ngiti na bumalik ako sa upuan ko.

"Tsk. Lahat na lang talaga" narinig ko pang bulong ng kaklase ko doon sa katabi niya noong napadaan ako sa pwesto nila. Hindi ko naman alam kung ano ang tinutukoy nila kaya dumeretso na ako sa upuan ko.

Pagkatapos ng klase namin ay dumeretso ako sa may Science Lab dahil doon daw kami magrereview ni Sir Jeff. Pagdating doon ay binigyan niya lang ako ng mga test papers at pinasagutan yun.

Nakaupo lang siya sa tabi ko at tinitingnan ang ginagawa ko. Kami lang ang tao dito sa loob pero hindi naman ako natatakot. Bukas naman ang pinto at saka katabi lang namin ang faculty room.

"Sir hindi pa po namin ito pinag-aaralan" turo ko sa isang item na naroon. Ngumiti lang si Sir at saka binilugan ang number ng itinuro ko.

"Sagutan mo lang yung mga alam mo. Bukas natin ididiscuss yung mga hindi mo alam" tumango lang ako at nagpatuloy sa pagsasagot.

When the Goddess Casts Her SpellWhere stories live. Discover now