Chapter 13

53 5 0
                                    

Athena Katherine's

"Good morning, Athena"

Napahinto ako sa pagbaba ng hagdan noong bumungad sa akin ang nakangiting si Miguel.

"A-anong ginagawa mo dito?" Hindi makatinging tanong ko sa kanya. Naiilang pa rin talaga ako hanggang ngayon dahil sa tuwing nakikita ko siya ay may kakaiba akong nararamdaman sa dibdib ko.

Kahapon, pagkagaling namin kina Jerick ay hinatid niya ako dito sa bahay. Ayaw ko na nga sanang pumayag dahil mukhang pagod na pagod siya kaya lang ay mapilit talaga siya.

"Sabay na tayong pumasok?"

"Ha? Baka malate ka pa. Dapat hindi mo na ako dinaanan"

"10 am pa ang klase ko"

"Pero 6:30 pa lang. Anong gagawin mo sa school?" 8 am pa kasi ang klase ko ngayong araw.

Natawa lang siya at saka kinuha ang kamay ko para alalayan ako sa pagbaba sa huling baitang ng hagdan. "Baka tumambay na lang ako sa library. Halika sa kusina. May dala akong pagkain"

Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko at sumunod sa kanya.

"Kanina pa umalis si Master dahil maaga daw ang klase niya. Si Ate Bell naman ay kasama nung kambal sa school. Kaya ako na lang ang nagluto ng pagkain mo. Halika .. upo ka na" ipinaghigit pa niya ako ng upuan kaya napakamot na lang ako sa ulo ko at kiming umupo.

Binigyan niya ako ng plato at saka pinagsandok ng fried rice at hotdog. Tumikhim ako kaya nakuha ko ang atensyon niya. "Miguel .. h-hindi mo naman kailangang gawin to. Kaya ko namang ipagluto yung sarili ko. Kaya ko ring pumasok sa school ng mag-isa"

Napakamot siya sa ulo niya at saka napaiwas ng tingin. "Pasensya ka na ha .. ganito kasi ang turo sa akin ni Mommy .. sabi niya, pag special sayo, pagsilbihan mo"

Agad na nasamid ako sa sinabi niya. Nataranta naman siya at agad akong inabutan ng tubig habang hinaplos haplos ang likod ko.

"A-anong special na sinasabi mo? Isang linggo pa lang tayong magkakilala ah!" Singhal ko sa kanya nung nakabawi ako.

"Bakit? Kailangan ba, matagal ng magkakilala para lang masabi mong mahalaga sayo yung isang tao?" Kunot noong sabi niya kaya nasapo ko na lang ang noo ko.

"Look, Miguel .. hindi mo pa ako lubos na kilala" napaiwas ako ng tingin sa kanya at napayuko na lang. "Hindi mo alam kung ano ang tingin sa akin ng mga tao doon sa probinsya namin."

"Pakialam ko sa tingin nila sayo. Iba yung nakikita .. at yun ang pinaniniwalaan ko"

Napaangat ang tingin ko noong sinapo niya ang mukha ko. Nagtama ang mga mata naming dalawa kung kaya't binigyan niya ako ng isang masuyong ngiti. "Please, Athena. Hayaan mo akong alagaan ka"

"P-pero .. ayokong masanay. Masasanay na naman akong may taong laging nandiyan para sa akin tapos .. biglang mawawala lang din naman .. lalo na sa panahong kailangang kailangan ko ng makakapitan" kusang tumulo ang mga luha ko na agad naman niyang pinunasan.

"Ang hirap mag-isa. Ang hirap pag walang masusumbungan ng mga hinanakit mo. Ang hirap na yung tanging pag-asa mo, yung tanging kakampi mo .. bumalik nga pero marami nang nagbago. Kaya please, Miguel .. kung mawawala ka rin lang, pwede bang tigilan mo na ako. Wag mo na akong nasayin ng ganito."

Lumuhod siya sa harapan ko kung kaya't nagkatapat ang aming mga mukha. Hinawakan niya ang mga kamay ko at saka marahang pinisil ang mga yun. "Hayaan mong patunayan ko ang sarili ko sayo. Hayaan mong damayan kita sa tuwing nasasaktan ka." dinala niya ang mga kamay ko sa tapat ng labi nya at saka binigyan iyon ng tig-isang halik. "Handa akong makinig sa lahat ng sumbong mo .. handa akong protektahan ka sa lahat ng pwedeng manakit sayo. Kaya masanay ka lang, Athena. Masanay kang narito lagi ako dahil hinding-hindi ako aalis sa tabi mo"

When the Goddess Casts Her SpellWhere stories live. Discover now