Chapter 17

51 5 0
                                    

Athena Katherine's

"Diyan ka talaga nakatira?"

Tanong ko kay Miguel pagkababa na pagkababa namin ng sasakyan niya. Nasa harap namin ngayon ang isang modern style bungalow house na nasa loob din ng isang subdivision na di hamak na malayo sa lugar nina Axel. Parang limang barangay pa ata ang pagitan nila. Ang tagal din kasi ng byahe namin e.

Kumindat lang siya sa akin at saka hinawakan ang kamay ko. "Yup. Halika na" napabuntong hininga na lang ako at saka nagpatianod sa kanya.

Binuksan niya ang gate at ang pinto ng bahay niya para papasukin ako. Lumabas din naman agad siya dahil ipapasok pa daw niya sa garahe ang kotse.

Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng bahay. Hindi ko masasabing sobrang linis noon dahil nagkalat ang mga damit niya sa sofa. Maging ang mga libro at ilang gamit niya sa school ay nakakalat din sa coffee table.

Biglang sumakit ang ulo ko sa kalat kaya naiiling na pinagpupulot ko ang mga damit niya at maayos na tiniklop ang mga yun. Mukha namang bagong laba dahil amoy downy.

"Babe! Ako na diyan!" Nanlalaki ang mga matang lumapit sa akin si Miguel at inagaw ang ginagawa ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay kaya napakamot siya sa batok niya at binitawan yun.

"Nagmamadali kasi ako kanina .. tapos napansin kong medyo paulan na kaya kinuha ko muna ang mga sinampay sa labas at basta na lang hinagis diyan bago ako umalis" nahihiyang paliwanag niya kaya inirapan ko na lang siya.

"Ako na dito. Magbihis ka muna"

"Tulungan na kita" tinaasan ko siya ng kilay kaya napangiwi siya "Magbibihis na nga po" agad na bawi niya bago pumasok sa isang pinto na siguro ay kwarto niya.

Pinagpatuloy ko ang paglilinis. Maging ang divider na naroon din na naglalaman ng iba't-ibang figurines at certificates ay inayos ko. Hindi naman naalikabok, tanda na napupunasan pa rin kahit papaano ngunit sadyang magulo lang ang pagkakaayos ng mga gamit. Hindi naman ako nagtataka dahil lalaki ang nakatira dito.

Napakunot ang noo ko nung nabasa ko ang isang certificate niya. Nakalagay yun sa frame at nasa pinakaunahan pa.

"National Math and Science Quest?"

"Ahm .. nung high school ako, medyo may nagtiwala sa aking teacher kaya inilaban ako. Di ko inakalang aabot ako sa National" napalingon ako sa kanya noong nagsalita siya.

"Medyo nagtiwala? Hello, champion ka!" Hinarap ko sa kanya ang certificate pero nagkibit balikat lang siya at naupo sa sofa.

"Alam mo bang nung high school ako ay participant din ako diyan every year? Sa Baguio yan ginaganap di'ba?" Yung mga ganitong contest lang naman ang naging buhay ko nung high school ako e.

Kita ko ang gulat sa mga mata niya habang nakatingin sa akin. Pagkuwa'y ngumuso siya. "Bakit hindi kita nakita noon?"

Natatawang lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. "Malamang .. private yung school niyo tapos yung amin public. Di naman pinaglalaban laban ang private at public. Saka anong category ba ang sinalihan mo?"

"Math quiz bee. Ikaw?"

"Science." Natatawang sabi ko. "Ayy magkikita nga .. baka nga magkaiba pa ang venue natin e" dugtong ko pa kaya lalong nanulis ang nguso niya.

Napatitig ako sa kanya. Ang ganda ng brown niyang mga mata at ang haba pa ng mga lashes, ang tangos ng ilong. Perpekto ang mga kilay at labi .. Bukod pa sa pisikal na katangian niya ay talagang nakikita kong mabuti siyang tao .. kahit sinong babae ay gugustuhin siya pero bakit sa akin niya sinasayang ang oras niya?

When the Goddess Casts Her SpellWhere stories live. Discover now