CHAPTER 1

74 10 15
                                    

[Aestherielle's POV]

"Good morning Philippines! Good morning World! "

Inis na inabot ko ang may kabigatang unan at tinapon sa kapatid kong pinaglihi ni mommy sa megaphone. Sapol siya sa mukha kaya taranta itong humarap sa life size mirror dito sa kwarto ko at ininspeksiyon ang sarili.

Salubong ang kilay na nilingon niya ako.

"Why did you do that? Of all places sa cute ko pang mukha? 'Pag nasira ba 'to may pera kang ipapaayos? How could you, Aesthe! "

I rolled my eyes at him. Napakaarte talaga nito.

"Bakit ba kasi nambubulabog ka?! Anong cute? Sang banda? At kapag nasira man 'yan at may pera ako, bibili ako ng bagong kapatid, Ace pangit! "

Nakaawang ang labi nito and disbelief is visible in his eyes because of what I said. Naka-pout na lumapit siya sa'kin at dinuro ako.

"May araw ka rin sa'king Aesthe bureche ka! Akala mo sinong maganda."

Inambaan ko nga ng sabunot kaya kumaripas ito ng takbo at rinig ko pa ang sigaw niya.

"Mommy Wafer! Nagme-menopause na si ate! "

Pasaway at isip-bata talaga. Dalawang taon lang naman ang tanda ko sa kaniya pero kapag nagalit naman para siyang si Daddy.

Babalik na sana ako sa pagtulog kaso nambulabog na naman si Ace.

"Ano bang problema mo?! "

Nakataas ang kamay na lumapit siya sa'kin at inayos ang pagkakakunot ng noo ko.

"Ate ko huwag ka ngang high blood. 17 years old ka pa lang pero nagmumukha kang 59 years old kasi ang dami mo nang wrinkles. Huwag papa-stress ah?"

Nasapok ko nga ng wala sa oras. Nahiya pang i-60 years old.

"Pinagloloko mo ba ako, Ace? "
Umiling-iling siya.

"No ate. Kahit kailan hindi ko ugaling magloko. Sila ang naloloko sa kapogihan ko. Sayang mo lang 'di ka nagmana sa'kin. "

Isa na lang talaga at makakatikim sa'kin ng uppercut 'to. Ika nga, biruin na ang lasing huwag lang si Aestherielle na bagong gising.

"Buti nga eh at saka never kong papangarapin 'yang kahanginan mo. Sandali? Ba't ka ba kasi nambubulabog umagang-umaga? "

"Ate ko? Ulyanin ka na ba? Nakakahalata na ako ah. Pupunta po tayo ng Bacolod today kaya nga inutusan ako ni mommy na gisingin ka para makapag-ayos ka na. Excited ka ba? Ako kasi oo. "

Aytt!!! Oo nga pala. Nandoon ngayon si Daddy sa Bacolod at isa siyang architect sa pinapatayong beach resort at mag-o-opening bukas kaya invited kami. First time kong maka-biyahe papuntang Visayas. I heard that people there are sweet, hospitable, and cheerful. 'City of Smiles' nga pala ang Bacolod.

"Yeah, I'm excited too. "

"Share mo lang te? "

Ramdam kong umakyat sa bumbunan ko ang galit ko.

"ACE LIONELL!!! "

Maliban siguro sa megaphone at bagyo pinaglihi rin siya ni mommy sa cheetah at kiti-kiti. Bago ko pa kasi ma-wrestling nakatakbo na siya palabas ng kwarto.

Tutal binulabog na naman ang araw ko, bumangon na ako at naligo. After magbihis inayos ko na sa maleta ang mga damit at bagay na kakailanganin ko. One week daw kami ron eh. Summer ngayon kaya ang suot ko ay sapat para hindi ako ma-heat stroke.

Dala ang maleta na pumunta ako ng sala. Nakahanda na rin pala mga maleta nila at pinigilan kong tumawa ng makita ko ang sticker na nakadikit sa maleta ni Ace.

'Personal Property of Ace 'Pogi/cute' Caled. If  lost, contact my number 0912 ikaw na ang bahala sa pito. Thank you 😉.'

"Aestherielle, kumain ka na ng breakfast mo. Uubusan ka na ni Ace ng ulam. "

Patakbong pumunta ako ng kusina. 'Pag sinabi kasi ni mommy 'yan, dapat alerto ako kasi 'di siya nagbibiro.
Uubusin talaga ni Ace ang ulam lalo na kapag favorite niya. Matakaw talaga ang pangit.

Lumapit ako kay mom and kissed her both cheeks.

"Good morning, My mommy Wafer. "

Tumabi ako kay Ace na todo concentrate sa pagkain kaya sinabayan ko na lang.

"What time flight natin, mom? " Ace.

"1 pm kaya bilisan niyo nang kumain para 'di tayo mahuli. "

Bacolod City! Here we come!








[A/N: So how's for chapter 1? Leave a comment po if you want 🙊🥀
See you in chapter 2!

Ito po pala ang chapter 1🙊
Aesthzainee_16
Avii_xyiniex]

I'm in love with you (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon