CHAPTER 34

18 5 12
                                    

~ I dedicate this chapter to ateeee JenilRamos thank you po sa pag-appreciate ng mga gawa ko at sobrang nasisiyahan po ako sa mga comments mo at naiinspire po ako. Love you teeee 😘 Enjoy reading. ~

[Aestherielle's POV]

Mabilis na nagpunas ako ng luha habang binabalik ang mga gamit sa drawer.

Sino ba sa buhay niya si Shanaiah? Bakit tinatago pa ni Khirro ang mga gamit niya? Nakapakaimportante ba niyang tao? Hindi naman siguro masamang magtanong kay Khirro.

Kinalma ko muna ang sarili ko bago pumunta ng kusina. Nadatnan ko si mommy Avii na naghihiwa ng kalabasa.

"Good eve po, mommy. "

Nag-angat siya ng tingin at nginitian ako.

"Good eve, Aesthe. Umalis pala saglit si Khirro para bumili ng white sugar at chocolate powder. Upo ka muna. "

I sat in front if her at tahimik na sinusundan ang bawat galaw niya. Tanging tunog lang ng paghihiwa niya ang namamayani sa paligid.

"Mommy?"

"Hmm? "

"I h-have something to ask po. "

"Spill it. "

Pinisil pisil ko muna ang palad ko dahil sa kaba.

"Who's Shanaiah Laurisse po? "

Napatigil siya sa paghiwa at tiningnan ako. Hindi ko man lang mabasa ang emosyon sa mga mata niya.

"A-Aksidente ko pong nabuksan ang drawer sa salamin ni Khirro. Naghahanap lang naman po ako ng suklay then I saw her things. I-I'm just curious po. "

Binitawan niya ang kutsilyo at hinawakan ako sa kamay.

"I know I don't have the right to tell you about her but I don't want to see you getting confused and clueless. I'm afraid that Khirro won't tell you about Shanaiah's existence and its impact to his life. Pero lagi mong tatandaan na nasa past na si Shanaiah. Amg importante ay ikaw na ngayon ang minamahal ng anak ko. Promise me na huwag kang magpapaapekto sa lahat nang sasabihin ko? And don't tell Khirro that I shared everything to you. "

Kinakabahang tumango ako.

"Shanaiah Laurisse was his first girlfriend. Was because she died 6 years ago. Nahulog siya sa bangin habang nagha-hiking sila ni Khirro. It was supposed to be their second anniverr. Sinisisi ni Khirri ang sarili niya hanggang ngayon dahil sa pagkamatay ni Shanaiah. Lagi niyang sinasabi na kasalanan niya ang lahat. Na kung niya raw inayang umakyat ng bundok si Shanaiah ay sana hindi ito nahulog at namatay. Purely accident talaga ang nangyari based na rin sa investigation at autopsy. Mas sinisi pa niya ang sarili niya dahil galit sa kaniya ang pamilya ni Shanaiah at sinabihan pa siyang mamamatay tao at walang kwentang boyfriend. Awang-awa kami noon sa kaniya. Pinatingin pa siya namin sa psychiatrist at nag-undergo siya ng almost 6 months na treatment. Hindi siya makausap ng matino at lagi lang tahimik. Gabi-gabi rin siyang binabangungot. Sa awa ng Diyos, umayos naman ang lagay niya pero hindi na ang dating Khirro na palangiti. Nasilayan lang ulit namin iyon ng makilala ka niya. Nagpapasalamat ako sa'yo Aestherielle kasi dumating ka sa buhay ng anak ko. Binalik mo ang dating siya. Salamat dahil walang sawa mong minamahal si Khirro. Sinabi ko ang lahat sa'yo dahil nay karapatan ka. Ngayon alam mo na ang lahat, ipangako mo sa'kin na huwag na huwag mong iiwan ang anak ko. Ikaw na ngayon ang buhay ng anak ko, Aesthe. "

I'm in love with you (COMPLETE ✅)Where stories live. Discover now