CHAPTER 39

20 5 7
                                    

[Aestherielle's POV]

"Do you still have a plan on going back to USA, Aesthe? "

Mula sa maganang pagkain, nag-angat ako ng tingin kay mommy Avii na siyang nagtanong. Uminom muna ako ng tubig bago sumagot.

"I'm planning to stay here po, for good and my future is here. "

Napangiti siya sa sagot ko at tiningnan pa nito si mommy sabay taas-baba ng kilay.

"I'm happy to hear that at sang-ayon ako sa sinabi mong nandito ang future mo. Diba mareng Wafer? "

"Oo, mare. Dito lang talaga sa bansang Pilipinas. "

Parang silang dalawa lang ang nagkakaintindihan. Mga madamot sa chismis.

"Ate? "

Tumingin ako kay Ace at biglang kinabahan dahil sa klase ng tingin sabayan pa ng ngisi niya. Paniguradong may kalokohan na namang gagawin 'to.

"Ano? "

Tumingin muna ito kay Khirro bago sa'kin.

"Bakit hindi mo sinama pauwi si Kuya Sean? "

Sinong tinutukoy ng abnoy na 'to? Wala nga akong kilalang Sean eh.

"Who's Sean? " Daddy

Pinanlakihan ko ng mata si Ace pero nginisihan niya lang ako.

"Her boyfriend po, daddy. American national po and if I'm not mistaken, 2 years na kayo diba ate? "

Pashneang kapatid kong ito na kahit kailan walang pag-asang tumino. Limang taon akong walang in-entertain na manliligaw tapos 2 years relationship pa? Natahimik ang hapagkainan at tumigil ang lahat sa pagkain.

"Y-You have a boyfriend, my rielle? Bakit hindi mo man lang sinabi sa'min? "

There's a hint of disappointment and sadness in mom's voice.

"Mom? Ace is-----"

"Nakalimutan mo na ba ate ang sinabi mo sa'king handa mo na siyang pakasalan? Mukhang kailangan mo na pong mag-Memo plus gold. "

Ohmygahd!!! May sapi ba 'tong kapatid ko at kung ano-ano ang sinasabi. Hindi ko alam kung ano ang plano niya pero malapit na akong mainis.

Sabay na napatingin kami kay Khirro nang tumayo siya.

"Please excuse me for a while. I have to call someone. "

Walang lingong umalis siya at naiwan kaming nakatulala.

Halos tumalon palabas ang puso ko nang bigla silang naghiyawan at nakipag-apiran pa. Kulang na lang may question mark sa tuktok ng ulo ko dahil sa sobrang pag-aalala.

"Ano pong meron? Bakit sobran saya niyo? Kanina pa po talaga ako nagtataka at ikaw Ace! Anong boyfriend at kasal ang pinagsasabi mo?! Nakahithit ka na naman ba ng katol? "

Nagtawanan lang sila sa sinabi ko kaya naiirita na ako.

"Everything was planned, ate. Plano naming pagselosin si Kuya Khirro na mukhang effective naman. "

"He's jealous. Go follow him and talk to him. " Lola

Tumayo ako at sinundan ang daang tinungo ni Khirro which is papuntang garden ni mommy.

Nakatayo siya paharap sa mga rose na tanim ni mommy at may kausap sa phone. Wala nang atrasan, Aesthe! Huminga muna ako ng malalim at inalis ang anumang bara sa lalamunan ko bago lumapit sa kaniya. Sinamantala ko ang pagkakataong nagsasalita siya para hindi niya marinig ang yapak ko.

Nasa likod niya na ako kaya rinig ko ang mga sinasabi niya.

"Sure baby, 'yan lang ba ang gusto mong pasalubong? You know I will anything you want just to make you happy. Okay, noted. Huwag pasaway kay mommy mo ah? Goodbye, baby. I love you too. "

Parang nawalan ako ng lakas at ang katiting na pag-asang pinanghahawakan ko ay nawala na lang na parang bula.

Hindi ko namalayang nakaharap na siya sa'kin at akmang aalis nang hinawakan ko siya sa kamay.

"Can we talk? "

Kulang na lang palakpakan ko ng sarili ko dahil nakaya kong magsalita nang hindi nauutal kahit na sobrang sakit na ng lalamunan ko sa kakapigil sa iyak.

"Ano pang pag-uusapan natin? You're upcoming wedding? "

"N-No"

"Then what? "

"About us"

Nangilid ang mga luha sa mata ko nang iwinaksi niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

"What about us? Are you planning to cheat on your fiance? You're that desperate to get my attention? "

Hindi ako makapagsalita kasi pakiramdam ko kapag magsasalita ako ay sasabay ang mga luha ko. He's about to leave again when I hugged him tight from the back.

"Yes! I'm this desperate, Khirro. Ikaw nga may a-anak at asawa na. Akala... A-Akala ko ba hihintayin mo ako? May mahal ka na bang iba? H-Hindi na ba ako ang laman ng puso mo? Bakit ang daya mo? "

"Ako pa ngayon ang madaya, Aestherielle? Ikaw nga may fiance na. Akala ko may hihintayin pa ako. Akala ko ako pa rin ang mahal mo. Ako pa rin ba ang mahal mo? B-Buti na lang pala hindi ako nag-aksaya ng panahon na hintayin ka. Ikaw ang madaya. You're unfair, Aestherielle. "

May kumalang hikbi sa lalamunan ko at hindi ko na napigilan ang umiyak at sumubsob sa likuran niya.

"If you were a melody
This would be the one I'd write
Find the perfect harmony
To bring it all to life
Wrap it up in a box
And send it to your door
Just in case it wasn't obvious
I'm in love with you.

Diba kinanta mo 'yan sa'kin dati? You sang that song to express what you really feel about me. Ngayon kinanta ko naman sa'yo to express my feelings for you. I'm in love with you, Khirro. I've been in love with you and I never stop loving you. Hindi mo ba talaga ako hinintay? B-Bakit nag-asawa ka agad? Ga'non ba ako kadaling sukuan? Hindi ba ako kahintay-hintay? Kasalanan ko bang kumapit ako sa pangako mong hihintayin mo 'ko? Huli na ba ako? Huli na ba ang lahat para sa'tin? "

Inalis niya ang yakap ko sa kaniya at ngayon ko lang naramdaman ang panghihina ko nang biglang bumigay ang mga tuhod ko at napasalampak na lang ako sa lupa.

Natagpuan ko na lang ang sarili kong nakapaloob sa isang mahigpit na yakap.

"Bakit ganiyan ka magsalita? Diba may fiance ka na? Kaya mo ba siyang iwan? Kaya mo ba siyang ipagpalit? Simula nong una pa ak naghihintay sa'yo, Aestherielle. Hindi mo lang alam kung gaano ang pagpigil ko sa sarili ko na yakapin ka nang makita kita sa cafe' kanina. I've been waiting for this day to come. To hold you in my arms again. I lied when I said you're not worthy to wait. Believe me or not, I never get tired waiting for you. Now that you're here, I won't ever let you go again. I love you with all of my heart. Walang kahati o ano pa man. One more thing that I want clear with you, I don't have a wife and child. "

I looked at him with confusion.

"Sino 'yong batang kausap mo? "

"Kuya Basil's daughter, Euphoria. "

Maling akala lang pala. I cupped his face and looked into his eyes.

"Everything was planned. Gusto nilang pagselosin ka. Wala akong kilalang Sean at gawa-gawalang ng abnoy na Ace. 5 years in USA, I never entertained suitors because no one can enter my heart except you. I love you so much, Kin. "

In a swift move magkalapat na ang mga labi namin kasabay ng mga palakpakan at hiyawan nila. Mga chismoso at chismosa talaga.

"I love you too, Kin. "



[A/N: Ackkkkkk!!! Kin call sign is back 😭 KhiRielle for the win! ]

I'm in love with you (COMPLETE ✅)Where stories live. Discover now