CHAPTER 25

14 5 2
                                    

[Aestherielle's POV]

"Everyone! Listen carefully. With your group, you need to surpass all the obstacles to get your flag. You have 5 hours to collect 10 flags. Ang unang team na makakabalik dito with 10 flags will be the winner. Understood?  Okay, cooperate with your group. In 3 ! 2! 1! GO!!! "

Nagsitakbuhan agad kami sa 1St stage kung saan need naming lima na ipasok ang sinulid sa nakatayong limang karayom. Ang ka-team ko pala ay sina Yoon, Luna, Asteria, at Athaliah.

Magkahiwalay kami ng mga kaibigan ko na sa tingin ko ay plano ni Mr. Kardasian.

Natapos naman namin ang Stage 1 kaya dumiretso na kami ng pangalawang stage kung saan tatalon kami sa hukay na may habang isang dipa ng mga kamay at 3 feet naman ang lalim. Hindi naman kami nahirapang tumalon maliban na lang kay Athaliah na muntik pang mahulog.

Buti na lang talaga may dala akong extra na tubig kasi kung sakaling wala baka na dehydrate na ako. May mga nilagay naman silang water station pero kunti na lang ang tira dahil sa may mga nauna nang uminom. Hindi ko nga alam kung anong klaseng pag-inom ang ginagawa nila na hindi na nila naiisip ang nga nahuling team. Siguro pinapaligo nila ang tubig.

Nasa pang-walong stage na kami at nangangamoy pawis na kami at ramdam kong sobrang nanglalagkit na ang katawan ko.

"Can we take a rest for 5 minutes? "

Sumang-ayon kami sa sinabi ni Luna kay nagsihanap na kami ng kaniya-kaniyang pwesto.

"Tingin niyo sinong team ang mananalo? " Asteria

"Siguro team ng mga lakaki. " Yoon

"I'm sure na mahihirap na ang natitirang stage. Muntik na nga tayong matagalan sa lintek na math problem na iyan eh. Tulog pa naman siguro ako nong tinuturo 'yan ni sir. "

Tumawa kami sa sinabi ni Luna. Totoo na nahirapan kami sa math problem na gusto na lang naming sumuko pero buti na lang at nagawan ni Athaliah ng paraan sa pamamagitan ng pag-solve gamit ang sariling formula niya. Sabagay, what's the purpose of her being one of the representative of their school to be an exchange students kung wala naman siyang ibubuga?

"Thank you pala, Athaliah. "

Tumango lang siya sa sinabi ni Asteria.

"Let's go guys? May one hour na lang tayong natitira. "

Nagsitayuan naman kami at handa na sana kaming umalis pero napalingon kami kay Athaliah ng bigla siyang sumigaw.

Nanlaki ng mga mata ko nang makita kong nahulog siya sa bangin pero buti na lang nahawakan ko siya sa braso. Halos mag-palpitate ako nang makita ko kung gaano kataas ang kinaroroonan namin. Nakadapa na ako para lang mahawakan siya ng mahigpit sa braso. Nakalambitin siya at nagsimula na siyang umiyak sa takot.

"Maghanap kayo ng lubid o di kaya tali basta makakatulong na iangat si Athaliah. "

"Sige! "

Umalis ang dalawa at tinulungan naman ako ni Yoon sa paghawak kay Athaliah.

"Kumapit ka ng mahigpit, Athaliah. Susubukan naming iangat ka. "

Tumango siya kaya nagbilang kami ng tatlo at pagkatapos ay inangat siya. Naihawak niya na sa may ugat ng puno ang isa niyang kamay.

Butil-butil na ang pawis ko kaya namamasa na rin ang kamay ko at natatakot ako na baka mabitawan ko siya. Kahit na may galit ako sa kaniya, hindi ko naman maatim na basta na lang siyang ihulog knowing that there's a possibility that she might die. Hindi ako ganun kasamang tao.

I'm in love with you (COMPLETE ✅)Where stories live. Discover now