CHAPTER 6

21 8 5
                                    

[Aestherielle's POV]

Katahimikan ang namayani sa pagitan namin habang nasa daan kami. Halos tunog lang ng alon ang naririnig.

"Hey"

Napatalon pa ako sa gulat ng bigla siyang nagsalita. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.

"Bakit ka ba nanggugulat diyan?! "

"Tsk! You're drinking too much coffee. I just want to ask you if what room are you staying? "

'Yun lang naman pala. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung basta-basta na lang siyang magsasalita sa gitna ng katahimikan? Sana man lang tumikhim muna para aware ako.

"We're staying at the third floor, VIP room. "

Napatango-tango siya at nagsimula na naman kaming lumakad.

"We? Who's with you? "

"My family. By the way, kaano-ano mo si Ate Harmony? "

"I'm kuya Oze's nephew. "

"Ahh... Kapatid mo ba si Aiden at Syed? "

"Yes"

Mahabang katahimikan na naman ang dumaan sa pagitan namin. Huli ko lang narealize na nakapag-usap kami ng maikli na walang halong bangayan.

Nasa part na kami kung saan namin itinayo ni Heaven ang sand castle nang biglang tumikhim si Khirro.

"About your sand castle, I accidentally tripped on it actually and because I'm not in the mood, I unconsciously ruined it. I'm sorry. "

Napatigil ako at nanunudyong tiningnan siya.

"Did I just heard you saying sorry? "

He rolled his eyes na muntik ko nang ikatawa.

"Now your deaf. "
Suplado mode na naman po siya.

"Mukhang 'di ka naman sincere sa panghihingi mo ng sorry eh. "

Mukhang nainis ko nga siya kasi nilagpasan ako. Ako na naman ngayon ang nakasunod sa kaniya.

Ngayon ko lang siya napagmasdan ng malapitan. Matangkad siya at hanggang bibig niya lang ako, dalawang beses nang napatunayan 😳.

Medyo may kahabaan pala ang buhok niya na abot hanggang balikat pero nakawave style ang dulo. Basta yung buhok ng mga K-Pop idols. Hindi naman siya ganun kapayat, tamang-tama lang para sa isang binata. He has wide broad shoulder tapos----

"If I'm an ice cream, I must be melting right now. "

Huli! Patay ka Aesthe! Sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Kinalma ko ang sarili ko kasi baka bigla na lang akong mag-palpitate dito.

"I-Iba yung tinitingnan ko n-no! "

"I can feel your intense stare at my back."

Ano siya? May mata sa likod?

"Intense ka riyan! I'm shooting daggers at your back no! "

Ako na naman ngayon ang padabog na nilagpasan siya.

"Then inamin mo ring tinititigan mo 'ko."

Bakit kasi ayaw magpatalo nito?

"Diyan ka na nga. You can go back already. I can handle myself. "

Hindi ko na siya pinansin pero ramdam kong nakasunod siya sa'kin. Matigas din ang ulo. Nakasunod pa rin siya sa'kin hanggang sa tapat ng room namin ni Ace.

Kumatok ako ng tatlong beses at binuksan naman ni Ace na mukhang nakatulog na kakahintay sa'kin. Magulo ang buhok nito at may yakap pang unan.

Tiningnan niya ako bago si Khirro.

"Nagtanan kayo ate? "
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.

"Bunganga mo talaga, Ace! Hinatid lang niya ako okay? "

Papasok na sana ako nang pinigilan na naman ako ng magaling kong kapatid. Nananaginip pa ba 'to?

"Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko kanina? No Shanghai, No entry. "

Pinandilatan ko nga ng mata. Sobrang nakakahiya talaga.

"May ilalaki pa ba 'yang mata mo ate?"

"ACE!!! "

Napatalon naman sila sa sigaw ko.

"Hey,  you don't need to shout. Bro, punta ka bukas doon sa cottage namin. Mom will cook shanghai. "

Parang si 'The Flash' naman 'tong kapatid ko na hinagis ang unan sa loob at tuluyan ng lumabas ng kwarto.

Nakalahad ang kamay nito kaya Khirro. He's asking for a handshake na tinanggap naman ng lalaki.

"Bro, I'm Ace Lionell pala. Totoo bang may pa-shanghai kayo bukas? Nakakahiya naman pero saan ba room niyo?"

Napailing na lang talaga ako sa kakapalan ng mukha niya.

"Nice to meet you. I'm Khirro Nixon and yes we'll be having a small celebration again for my Dad's birthday. " Khirro looked at me.

"She knows the venue. "
Magkikita na naman ba ulit kami ng lalaking 'to bukas?

"Sana bukas na. Anyways, thank you pala sa paghatid kay ate. Goodnight bro. See you tomorrow. "

Buti naman at naalala pa niya ako. Pagkapasok ni Ace agad kong hinarap si Khirro.

"Thank you pala sa paghatid. 'Di mo naman kailangan seryosohin sinabi ni Ace eh. Nagbibiro lang 'yon. "

"But I'm not joking. I'll go now. Goodnight. "

"G-Goonight. "

Papasok na sana ako sa kwarto ko pero nagsalita siya.

"I'm really sorry again about your sand castle. One day, I'll build you one. "

I'm in love with you (COMPLETE ✅)Where stories live. Discover now