CHAPTER 38

19 4 6
                                    

[Aestherielle's POV]

"Kuya, sa tapat lang po ng Dahlgren's cafe'. "

Nagbayad muna ako ng pamasahe bago bumaba ng taxi. Hindi naman ako nahirapang hanapin ang taong kikitain ko kasi nakita ko agad siya na nakapwesto sa may bintana at kumakaway-kaway sa'kin. Pumasok ako at agad na nilapitan siya.

"You look stunning, Aestherielle! Parang gusto ko ring manatili ng ilang taon sa States. "

I kissed her cheeks bago umupo sa upuang kaharap niya.

"Nambobola ka na naman, Athaliah. You look gorgeous, by the way. "

Yes, si Athaliah na akala ko rati ay makakalaban ko pero siya pa ang naging isa sa kakampi ko. She's a fashion designer in Paris pero last year pa siyang umuwi rito sa Pilipinas. Dalawang taon na ako sa USA nang magkaroon kami ng komunikasyon through IG. We became best of friends and now soon to be business partners.

"Thank you. Naka-order na ako ng pagkain natin. Let's wait for them for a minute baka natrap lang sila sa traffic. Nagsisimula pa namang umulan. Anywaysss, how's life in US? "

"Well, okay naman. Natuto akong maging independent and contented. Natuto akong maging matapang at matatag kaya wala akong pinagsisihan na umalid ako ng Pilipinas. Doon ko lang naman pala mahahanap ang sarili ko. "

"Pero aminin, nandito naman ang BUHAY mo. "

Nanunukso ang tono ng boses niya sabayan pa nang pagtaas-baba ng mga kilay niya.

"Imbes na buhay ko ang pag-usapan natin, pwede naman 'yong sa'yo. Kamusta naman kayo ng bf mong British national? Kailan mo siya ipapakilala sa'kin? "

I saw her blushed kaya mas inasar ko siya. Pahalatang in love na in love sa lalaki.

"We're still together and going strong. Hindi naman sa nagmamadali pero hindi na tayo bumabata kaya we decided to tie the knot next year. Yes, I'm his fiancee now. "

Napatakip ako sa labi nang pinakita niya sa'kin ang engagement ring niya. Hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya nang mahigpit sa galak.

"I'm so happy for you, Athaliah. Flower girl ako ah? "

"Pwede rin kung bet mo. "

"Basta exempted ako niyan sa wedding gift. "

Bumalik ako sa pwesto ko nang akmang kukurutin niya ako sa bewang.

"Finally, they're here. "

Napaayos ako ng upo at pasimpleng inayos ang medyo nagulo kong buhok.

"Good afternoon, architect and engineer. Take a seat first. "

Kasabay nang pag-angat ko ng tingin ay siyang ring pagsalubong ko sa mata ng lalaking tumabi sa'kin. Nginitian niya ako kaya nahihiyang ngumiti ako pabalik. He's so handsome tapos ang bango niya pa. Na-conscious tuloy ako sa amoy ko.

"Sorry if we're late. Sobrang lakas kasi ng ulan saka na-trap kami sa traffic. "

Ang cute niya lang magtagalog. Akala ko English speaking siya tapos formal kung magsalita pero maling akala pala ako. Parang ang tagal niya ng kilala si Athaliah the way he talked to her.







I'm in love with you (COMPLETE ✅)Where stories live. Discover now