CHAPTER 21

17 5 9
                                    

[Aestherielle's POV]

Naiwan kaming dalawa sa room at hindi ko inaalis ang tingin ko sa kaniya. Seryoso rin siyang nakatingin sa'kin.

"What really happened, Aesthe? "

"Does it matter if I'll tell you what happened? Ako na nga ang may kasalanan diba? Sinabi na ni Athaliah. "

"Just tell me the truth, Aestherielle! "

"Ako nga ang may kasalanan! Bakit ayaw mong maniwala? Ayy nakalimutan ko, hindi mo nga pala ako pinaniniwalaan. Oo! Tinulak ko siya. Oo! Ayaw na ayaw kong makipagkaibigan sa kaniya! Satisfied?  So please leave me alone at puntahan mo na ang binabantayan mo kasi diba aside sa SSG President ka bodyguard ka na rin niya diba? "

"I'm not his bodyguard, Aestherielle. "

Inismiran ko muna siya bago tinalikuran at kumuha ng trash bin.

"Talaga? Eh bakit parang 7-Eleven ka na 24 hours na bukas para sa kaniya? "

Tutulungan pa sana ako nitong buhatin ang wasak na mukha este! cake ni Athaliah pero hinawi ko ang kamay niya.

"What are you talking about?! "

"Wala! Ang manhid manhid mo! Saan ka pinaglihi ni tita Aviie? Kahit kailan hindi mo ako maiintindihan so what's the use of explaining? Just leave me alone, Khirro. Baka nilalangaw na ron ang babae mo. Baka ikaw pa ang magpapaligo ron. "

"Why do you kept on mentioning her? Ganiyan mo talaga ba siya hindi kagusto?"

"Bakit? Gusto mo ba siya?"

Hinagod nito ang buhok na parang nawawalan na ng pasensiya.

"Don't change the topic please. "

"I'm not changing the topic. Siya naman diba ang topic natin? Let's just stop this conversation. I want to go home."

Aalis na sana ako pero pinigilan niya naman ang bag ko.

"What happened to you, Aesthe? You're not that short tempered. Parang hindi na ikaw ang Aestherielle na nakilala ko. "

Kahit nagbabadya nang tumulo ang mga luha ko, matapang ko pa rin siyang hinarap.

"May pakialam ka pala sa'kin? Tinatanong mo kung bakit nagbago ang u-ugali ko? Jealousy made me like this! Nagseselos a-ako, Khirro. Pakiramdam ko unti-unti ka niyang inilalayo s-sa'kin. Nasasaktan ako tuwing lagi kayong magkasama. N-Nagseselos ako kasi ang dali-dali mong ngumiti sa kaniya. Nagseselos ako kasi lagi kayong magkasamang kumain. Nasasaktan ako kasi nasa k-kaniya na lahat ng atensiyon mo. Nasasaktan ako kasi mas pinagtatanggol mo pa siya sa'kin. Mas masakit 'yung h-hindi mo ako kayang paniwalaan. Nagseselos at nasasaktan ako, Khirro. "

I'm in love with you (COMPLETE ✅)Where stories live. Discover now