CHAPTER 9

24 8 10
                                    

[Aestherielle's POV]

Hanggang dito ba naman talaga sa school magkikita kami?

Nasa harap siya ngayon at kinakausap ni sir. Kanina ko pa rin napapansin ang panaka-nakang tingin sulyap ng mga babae kong kaklase sa kaniya.

Ano yan?  Ngayon lang nakakita ng lalaki?

"Besh? Kilala mo ba si pogi? " Neptune.

"Pogi?"

Don't tell me si Khirro tinutukoy niya? Tch! Pogi raw.

"Ang kasama nga ni sir."

"Ahh, nakausap lang pero 'di kami close. Suplado 'yan eh. "

Napatango-tango siya at buti na lang hindi na siya nagtanong pa.

Nabaling ang tingin namin kay Waffle na kakapasok lang ng room but she's trying her best ba hindi mapansin ni sir pero nakita kong sinulyapan siya ni sir na napailing lang at kinausap na ulit ang kasama.

"Bakit ngayon ka lang?"

She sat between me and Anne.

"Dumating sa buhay ko. Pilit binubuksan ang sarado ko na pusoooo--"

Mukhang may balak pa siyang tapusin ang buong chorus kaya tinakpan na ni Ava ang bunganga niya. Late na nga nakuha pang kumanta.

"Bakit nga kasi ngayon ka lang, Waffle? Hindi rin kita nakitang umattend ng flag. " I asked her again.

"Sa canteen kami tumambay. Nilibre ako ni Alyxir. Ang taong iyon! Akala ko kung ano na ililibre niya sa'kin. Alam niyo naman diba na marupok ako pagdating sa libre? Kaya kahit nga naiinis ako sa taong yun gomora talaga ako tapos pisong tubig lang pala sa water dispenser! Gigil niya 'ko ha! "

Pigil ang tawa namin dahil sa kinuwento niya. Namangha pa naman ako kasi first time ni Alyx manlibre if ever.

"Buti na lang talaga nandon ang kapatid mo at si Devon. Akala ko puro kahanginan lang sila pero may mabubuting puso rin pala. "

Medyo kumalma na ang aura niya ngayon.

"Nilibre ka nila?! "

Disbelief was written on Ava's face. Kita naming hinilot ni Waffle ang magkabilang sentido niya.

"Oo! Nilibre nila ako ng tig-iisang piraso ng stick-O!"

Hindi na namin napigilang tumawa pero napatigil agad nang nilingon kami ni sir at Khirro.

"Hala?! Kaibigan 'yan ni kuya Basil ah? "

Nakuha pang ituro ni Waffle si Khirro na nakatingin pa kaya pinalo ko nga sa kamay.

Pinsan pala ni Waffle si Kuya Basil na college student na.

"Ta-transfer yata" Anne.

Umayos kami ng upo pagtingin sa'min ni sir.

"Good morning, class. I know you heard about what happened to Casildo University. Since na nag-closed na sila we are expecting student from them to enroll here in our school, especially SHS students. Here with me came from CU and he'll transfer here. Please introduce yourself. "

Mr. Kardasian set aside so Khirro can take over.

"Good morning. I'm Khirro Nixon Ledesma. "

Parang may anghel na dumaan nang biglang tumahimik.

"That's all? "

Tumango lang si Khirro kay sir. Ang ikli namang magpakilala.

"Okay,  you can sit wherever you want. "

Bawat hakbang at galaw niya Ay nakasunod ang mga mata ng mga kaklase ko. Pumwesto siya sa upuang nasa tabi ko. I tried my best na huwag siyang lingunin baka kasi nakalimutan niya na ako at mapahiya lang ako kapag basta-basta ko lang siyang kakausapin. FC lang ako non.

Nag discuss si sir about sa self niya at sa mga rules and regulations sa loob ng classroom. As usual sa first day hindi nawawala ang self introduction.

Sa ibang subjects namin hindi na nagpa-introduce na siyang pinagpapasalamat ko.

Last subject at ang daming arte ng teacher namin.

"I will give you this basic interview questions and find your partner to ask questions then after 20 minutes, together you'll introduce each other in front of the class. You may start now. "

Kaniya- kaniyang hanap naman kami ng partner. Gusto ko sana si Waffle kaso sila na ni Anne kaya hinarap ko si Khirro.

"P-Pwedeng tayo na lang? "

Tumango lang siya. Si Khirro ba talaga 'to? Parang ibang tao eh. Mga basic questions nga ang nakalagay sa form at parang slum book lang. Hindi naman ako nahirapang mag-interview sa kaniya kasi responsive naman 'yun nga lang napaka-cold talaga niya.

Mas nauna kaming natapos kaya naglakas-loob akong magtanong ulit.

"Dito rin ba nag-aaral si Aiden at Syed? "

"Yes"

Ay!!!  Siya nga si Khirro sa beach.






[A/N: umagang-umaga namotivate akong mag update 😭 special thanks to Healle and Aesthe dahil pinasaya niyo ko. Hope you'll enjoy every chaps guys. Alabyouu 🥀]

I'm in love with you (COMPLETE ✅)Where stories live. Discover now