CHAPTER 19

18 5 3
                                    

[Aestherielle's POV]

"Grabe! Pakiramdam ko hanggang ngayon nasa utak ko pa rin ang boses mo, rielle. May talent ka palang tinatago eh."

After matapos ng meeting sa gym hanggang ngayon ganiyan pa rin ang mga naririnig ko sa mga kaklase ko. Kanina pa rin ako hiyang-hiya kasi panay lingon sa'kin ng mga estudyante.

"Bakit ka pala sumigaw kanina? Alam mo bang muntik ka na naming hatakin palabas?" Anne

Sinubsob ko na lang ang mukha ko sa desk ko at hindi siya sinagot. Rinig ko ang pagbuntong-hininga nila at may humagod sa likod ko.

"Hayaan muna natin si Aesthe. Alam naman natin na ayaw niya talagang magsalita 'pag ayaw niya pero one of these days mag-o-open din naman siya sa'tin."

Neptune really knows me.

"We're always here for you, Aesthe. " Waffle

Nag-angat lang ako ng tingin nang marinig ko ang boses ni sir. Kasama ni sir sa harap sina Khirro at ang babaeng exchange student kaya mas sumama ang mood ko.

"Good morning everyone. So here with me is the exchanged student from GEM University. Please introduce yourself. "

Ngumiti siya sa'min bago nagpakilala.

"Hi, my name is Athaliah Ferioles from GEM University and I'm hoping to have a good experience here and I can make good memories and relationship with you guys. Nice to meet you all. "

I rolled my eyes kasi bakit kailangan niya pang lumingon kay Khirro nong sinabi ang word na 'relationship '? Nagpapalipad hangin lang? Ke-bago bago ganiyan na agad siya.

"Khirro? Please assist Ms. Ferioles to her seat."

Bakit kailangan pa siyang i-assist? Madali lang namang ituro sa kaniya ang upuan. Ano siya Kindergarten pupil?

"Aesthe? Kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa bumulagta 'yang si Athaliah." Ava whispered.

Magkatabi pa talaga silang dalawa. I-nominate ko nga 'tong secretary tutal parang wala naman siyang balak na umalis sa tabi ni Khirro.

Nagpaalam si Sir kaya nagsilapitan at nagpakilala ang mga kaklase ko kaya Athaliah. Inaya ko naman ang mga kaibigan ko na pumuntang canteen para sa lunch.

"Anong plano mo, rielle? Mukhang may matinik kang kalaban kaya Khirro ah? " Waffle

"Hayaan muna natin siya. Baka need niya lang talaga ng kausap muna at since SSG President si Khirro mas una silang nagkakilala. "

"Eh paano kung masanay si Athaliah? Paano kung magiging linta siya? " Ava

"Edi alisin, Ava. Sabihan mo lang kami ng plano mo Aesthe kasi to the rescue agad kami. " Neptune

"Parang gagawa naman tayo ng krimen. Malay natin mamaya hindi na sila m-magka... sama. "

I'm in love with you (COMPLETE ✅)Where stories live. Discover now